Tiyak na maraming lalabas na tsismaks now that muli na namang nagtatrabaho ang isang nagkasakit na aktres kailan lang.
Yun kasing sinasabing misteryosong sakit niya ay hindi naman ganun ka misteryoso dahil yung sinasabi niyang mga sintomas ay para siyang naglilihi.
One plus one, sasabihin buntis siya, na hindi kataka-taka dahil lagi silang magkadikit ng kanyang guwapong BF. At dahil may kasamang lagant, iritasyon at kung anik anik pang sintomas, sasabihin namang naimpeksyon dahil nagpalaglag.
Talagang maski saan siya lumugar wala siyang lulusutan.
At dahil nga pati mga duktor ay nagsasabing misteryoso nga ang sakit niya, na inabot daw ng two weeks pero walang diagnosis.
Asus, mapaniwalaan pa nga ba yun? Sa rami ng test sa aktres, hanggang ngayong nagtatrabaho na ulit si aktres, misteryoso pa rin?
Hayyy!