Agarang solusyon ang kailangan

    422
    0
    SHARE
    Sa ipinakitang coverage sa TV
    na napanood din tiyak ng marami,
    sa unang tingin pa lang ay masasabi
    nating kanino yan marapat isisi?

    Ito ay ang hinggil sa nagsisiksikang
    inmates sa isang city jail, d’yan sa NCR,
    na masahol pa sa sardinas kung tingnan
    ang hitsura nila sa pagkahiga niyan.

    Matagal nang isyu ang bagay na ito
    na dapat noon pa sana inasikaso
    ng mga naumang umupo sa puesto,
    pero di naisip gawin ng gobyerno

    partikular na ng mga namahala
    nitong BJMP, na dapat gumawa
    ng preventive measures upang di lumala
    ang ganyan pati sa kulungang pambansa.

    Kasi kung tunay ngang congested nang halos
    sa five hundred percent ang tunay na datos
    at bilang ng inmates na nakapaloob
    sa estimate na yan – ‘there’s an effective move.’

    Isa na riyan itong batid nating lahat
    may mga ‘inmates’ na ika nga’y bagama’t
    di pa naka-graduate sa bunuhin dapat,
    subalit maysakit na’t wala ng lakas

    Para makagawa pa ng kasalanan,
    yan ay payagan na nating ma-‘enjoy’ niyan
    ang natitira pang ilang taon o buwan
    na nalalabi sa nasayang niyang buhay.

    Kaysa manatili siyang nakakulong
    hanggang sa magwakas lang ng basta ga’non
    ang buhay sa ‘loob’, na ni sa ‘comfort room’
    ay baka hirap nang makarating ngayon.

    Liban sa iba pa na nakakulong na
    gayong ang kaso n’yan ay nakabimbin pa,
    at wala pang pinal na hatol talaga
    sa kung anong naging kasalanan nila;

    At kahit bumilang na ng ilang taon
    sa Korte ang kaso, wala pang desisyon,
    sanhi ng malimit diyang kapo-‘postponed’
    ng ‘Judge’ mismo o ng ‘assigned prosecutor’?

    (At the expense of course’ ng kaawa-awang
    suspek na ni walang pambayad kung minsan
    ng attorney kaya nagtitiyaga na lang,
    sa ‘ex-officio’ na di binabayaran.

    Na inaatasan ng Hukom madalas
    para ipresenta ang suspek sa oras
    ng ‘trial’ sa puntong yan ay ‘guilty or not,’
    at ang isasagot lang ‘Not Guilty’ dapat?

    At maaring di na masundan ang bista
    ng nakararami na salat sa pera,
    sanhi nga nang wala silang makukuha
    na puedeng magtanggol para sa kanila.

    Anong maari pa nating maasahan
    sa puntong yan kundi lolobo ang bilang
    at parang sardinas nang nagsisiksikan
    itong nakakulong sa kasalukuyan?

    Sa puntong ito ay kinakailangan na
    nating manawagan sa tamang ahensya
    na dapat umaksyon – (o kay Duterte ba?)
    para mabigyan ng aksyon ang problema?

    Nasaan na itong mga magagaling
    na nangangalaga sa ‘Human Rights” natin?
    Di ba’t ang tanggapan ninyo ay ‘concern’ din
    sa isyung ito na dapat bigyang pansin?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here