Additional ‘Star’ to Mayors EdPam and Wong

    373
    0
    SHARE
    Sa lahat ng mga naging Punongbayan
    ng San Simon tanging si Mayor Wong pa lang
    ang nakasungkit ng mga iba’t-ibang
    ‘awards’ at saka ng bigay na parangal

    Nitong DILG, gaya halimbawa,
    ng pagiging ‘The best’ sa pamamahala;
    ‘Good in Housekeeping’ at ibang gantimpala
    ay kay Mayor Wong na naigawad kusa

    Ng lahat na yatang ‘Award Giving Body,’
    mapa-pribado o ‘public authority’
    kaya sa loob lang ng ‘first term’ niya pati
    ay umani na siya ng gintong papuri.

    Dahilan na rin sa pagiging mahusay
    ni Mayor sa halos lahat na ng bagay
    na may kaugnayan sa panunungkulan
    bilang isang tunay na lingkod ng bayan

    Kaya naman higit kanino mang Mayor
    na naihalal sa bayan ng San Simon,
    ating masasabing tanging si Mayor Wong
    ang nakatanggap ng ganyang rekognisyon

    At pagkilala sa mga katangiang
    ipinamalas niya bilang lingkod-bayan,
    na di naigawad sa kahit sinumang
    nauna sa kanya bilang Punongbayan

    Na nakatanggap ng iba’t-ibang ‘award’
    sa loob ng ilang taong nakalipas,
    dala ng pagiging malinis, masipag
    at sa katungkulan seryosong pagganap

    Kaya maituturing ng ‘Multi-Awarded’
    si Wong, tulad nina Oca at Mayor Ed,
    ng Lungsod ng San Fernando at Angeles;
    (kung saan ang isa ngayo’y nasa Congress).

    At kamakailan lang sina EdPam at Wong.
    ay imbitado sa isang Mayors’ Forum
    ng mga ‘world class’ na Alkalde sa ngayon,
    na ginanap sa New York nito lamang June.

    (Subalit nang dahil sa lubhang abala
    si Wong sa iba’t-ibang aktibidad niya
    bilang ‘public servant,’ ang isang anak niya
    na matalino rin ang inatasan niya

    Para daluhan ang naturang okasyon
    sa New York city at nagkita sila r’on
    ni EdPam, kung saan ang butihing Mayor
    ay galing naman din sa isang pagtitipon

    (Sa Brussels, Belgium sa isang kumperensya
    ng mga alkaldeng ‘World Class’ ding tulad niya;
    Kung saan siya lang ang galing sa Asya,
    ang hiningang mag-share sa harapan nila

    Ng mga ‘effective actions’ na kailangan
    para sa ika nga’y effective governance ,
    ‘Livable place to stay’ at iba’t-iba pang
    ‘necessities’ para sa nasasakupan!

    At kahit si Wong ay hindi nakadalo
    ay nagampanan ng anak niya mismo
    ang dapat sana ay maging papel nito,
    dahil ang anak ay kapwa niya listo.

    Sapagkat ‘lawyer’ din namang tulad ni Ed
    (na ‘incumbent City Mayor ng Angeles);
    At ang Mommy niya ay ‘multi-awarded’
    din namang gaya ng iba pang Delegates!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here