3 pushers arestado

    281
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales —Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic PNP ang tatlong drug pushers sa isinagawang drug operation sa Barangay Calapacuan, sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Leonardo Madrid, hepe ng Subic PNP, ang mga suspek na sina Rolly Sison, 38 at Rowena Amayao, 37, pawang mga taga Barangay Calapacuan; at Ramil Miclat, 30, trcycle driver at residente ng Ranada St., Block 13, Barangay Gordon Heights, Olongapo City.

    Ang mga suspek ay huli na magkakasamang nagbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa halagang P500 sa isang police poseur-buyer.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here