NGAYONG iniharap na upang tumayo
bilang witness itong dating kalaguyo
(ni Leila,) ng kontra sa kanya ay lalo
nang higit kailanman pihong pagkabigo
Sa inaasam na di siya isasabit
ni Ronnie sa ‘drug trade’ diyan sa Bilibid,
nitong ang ‘lover boy’ niya ay nadakip
na ng CIDG o Pambansang Pulis.
At iharap na nga sa ‘Senate Inquiry’
ang minsa’y minahal niya’t naging kasi
na si Ronnie, hayan siya bandang huli
ang nagsilbing tinik sa kanyang sarili.
At di akalaing sa araw ng bukas
ang sa sikreto niya’t gawang di marapat
ay siyang laban sa kanya ay haharap
Sa Senado upang lahat isiwalat.
Kaya kahit todo tanggi si De Lima,
sa akusasyon ay tiklo pa rin siya,
dala na rin nitong ikinaila niya
aa si Kerwin daw ay di niya kilala
At ‘never in her life’ niya nakaharap
‘nor had met’ si Kerwin gayong ya’y may Kodak
o ‘photo-shoot’ sila kaya maliwanag
na si De Lima ay ‘is loaded of big lies’
Kung saan ang ‘driver/bodyguard’ niya mismo
na si Ronnie Dayan itong tila gusto
niyang idiin at palabasin nito
na siyang nakinabang, at di damuho?
Sa lahat ng kuwartang dumaan sa kamay
ni Dayan, na galing dito sa mag-amang
Espinosa bilang suportang pinansyal
kay Sec De Lima sa planong pagtakbo n’yan
Comes year 2016 National and Local
Election, kung saan kakandidato yan
bilang Senadora, kaya noon pa lang
ay nangalap na nga pondong kailangan.
At kabilang na nga sa naisip nila
na medyo madaling kuhanan ng pera
ay ang mga ‘inmates’ na sadyang makuwarta,
(at alam na may mayrung negosyo ng droga?).
Pero ano’t ngayong animo ay bulkan
na sumabog itong isyu, at kung saan
si De Lima itong ininguso nilang
pasimuno r’yan ng matinding lagayan
Ay todo tanggi ang ating Senadora
at sinabing walang raw siyang direkta
o ‘indirect’ itong ‘business’ sa mag-ama,
na sina Roland at Kerwin Espiñosa.
Kaya kung sa puntong naturan, si Ronnie
na hayan ang siyang ginigiit bale
ni de Lima itong aniya’y posible’ng
gumawa ng pera para sa sarili?
Sana naman huwag nang ipagkaila n’yan
ang totoo… at huwag kay Ronnie ibintang
itong lahat na ng naging kasalanan
niya sa Estado at sa taongbayan.
Maatim ba nito sa kanyang sarili,
na sa ‘lover’ niya ibunton ang sisi,
gayong siya itong marapat mabigti
sa nagawa… at di ang probreng lalaki?
At higit sa lahat… anhin mang itago
ni Madam ang kanyang sumingaw na baho,
Yan ibaon man nang tatlong siko’t sampo
sa katagalan ay lalong mamamaho!