AC anti-drug abuse council is Phl’s best

    480
    0
    SHARE

    Itong bagong award na katatanggap lang
    Ni Angeles city Mayor Ed Pamintuan
    Bilang pagkilala sa napangalanan
    Na ‘Anti-drug abuse council’ na naturan

    ‘As the best’ sa buong bansang Pilipinas,
    At pangalawa na ito sa natanggap
    Ng ‘multi-awarded’ na Mayor ng siyudad
    Sa magkasunod na taong pagka-award;   

    At kung saan itong ating Philippine Drug
    Enforcement Agency kinilala’t sukat
    Ang AC anti-drug council o ACADAC
    Bilang ‘recipient’ uli ng ganyang award

    Ay tunay naman ngang maipagmamalaki
    Ang kilalanin kang ‘the best in the country’
    Sa ini-award ng naturang Agency
    Sa local government ng Angeles city

    Under the leadership of Mayor Pamintuan,
    Na tunay naman ding di matatawaran
    Ang husay at galing sa panunungkulan
    Ng ‘multi-awarded’ at kinikilalang

    ‘World Class City Mayor’ (na liban kay Oca
    At ilan pang city mayor nitong bansa
    Ay wala pang ibang nakatanggap yata
     Ng ganyang kaprestihiyosong gantimpala).

    Na talaga naman ding kapuri-puri,
    Maliban sa iba pang natanggap pati,
    Gaya na nga nitong binigay na huli
    Nina PDEA Asec Rene Orbe

    At mga katuwang na sina Frederick
    Musni at kasamang mga ‘executive’
    Nitong PDEA at ‘government units’
    Sa tina-target na ‘a drug free Philippines’

    Na sinisikap ng naturang Agency
    O nitong ACADAC na mapanatili
    Itong kaayusan at pagiging ‘drug free’
    Nitong ating lungsod sa tuwirang sabi.

    At ngayon ay ‘drug free’ na nga itong lubos
    Dala nitong beinte kuwatro oras halos
    Ay tinutukan ng Mayor ng lungsod
    Ang pagbantay laban sa bawal na gamot.

    Sa pamamagitan nitong masisipag
    Na mga ‘drug busters’ ng ating ACADAC;
    Kaya naman hayan isa uling ‘award’
    Ang nakamit muli nitong ating Siyudad

    Na maisasama at mapapabilang
    Sa mahahalagang natanggap ni EdPam
    Mula sa iba’t-ibang ‘awarding body’ riyan,
    Na ang iba’y bigay ng pandaigdigang

    Kapisanan nitong marangal na tao,
    Institusyon at/o grupong pang-sibiko
    Na tunay naman ding kilala sa mundo
    Ng pagrekognisa at pag-award nito

    Sa nararapat na mapagkalooban,
    Na kagaya nina Oca at Pamintuan,
    Na di lang dangal ng liping Kapampangan,
    Kundi pati na ng ating Inangbayan;

    Sa pagiging kapwa n’yan multi-awarded
    Bilang responsableng government officers, 
    Na di nabahiran ng kahit gabinlid
    Na putik ang kamay bilang heads of office!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here