‘A question of citizenship’

    194
    0
    SHARE
    Kung totoo itong akusasyon kay Poe,
    Na tunay ngang siya’y di kualipikado
    Para makahabol sa pagka-Pangulo
    Pagkat siya’y di ‘natural-born Filipino’;

    E bakit noon pang si Grace ay humabol
    Sa pagka-senador ay walang tumutol
    Ni isa sa ilang nagsi-sulpot ngayon
    Para harangin ang tangka niyang paghabol?

    Di ikinaila’ng ‘dual citizenship’ siya,
    Pero bago pa man humabol nang una
    Ang US citizenship ni Senadora,
    Ay renounced na’t full-pledge na siyang Filipina.

    Kasi ano pa mang isang citizenship
    Ng sinumang Pinoy ya’y muling babalik
    Sa dati, once the same holder had renounced it,
    Kaya Filipina na ngayon si Ms. Grace!

    Ang citizenship issue ay matatandaang
    Ginamit din noon ng mga kalaban
    Ni FPJ (na kanyang nakamulatang
    Ama) nang magtangka ring kumandidato yan

    Noong 2004; kung saan anila
    Si FPJ ay illegitimate son siya,
    Sanhi nang bago ikasal ang parents niya,
    Si Ronnie Poe, Jr. ipinanganak na.

    And the Supreme Court ruled in FPJ’s favor,
    Saying that when his father, Fernando, Sr.
    Acknowledged paternity, Fernando Poe, Jr.
    Automatically, citizenship assumed

    The citizenship of his father Fernando,
    Of which was a natural-born Filipino;
    Kaya sa puntong yan ang dalawang Poe,
    Na si Grace at Ronnie where both Filipino!

    Kaya suma-total ay puedeng humabol
    Si Grace Poe sabihin man nating siya’y ampon
    Lang nina Ronnie at Susan (itong ngayon
    Ay lubhang matunog na presidentiable).

    Isa pa, kung di n’yan alam na pupuede
    Palang tumakbo siya ba’t inalok pati
    Siyang maka-tandem bilang maging Bise
    Ni Mar – at nitong may initial na JB?

    At ngayon lang nila sinasabing si Poe
    Ay hindi qualified para makatakbo
    Comes year 2016 sa pagka-Pangulo,
    Gayong batid n’yan ang talagang totoo

    Na si Ms. Grace Poe ay qualified talaga,
    Kung kaya nga’t siya’y naging Senadora,
    At inalok pa ngang maging Bise siya
    Nitong nabanggit natin sa dakong una.

    Sa puntong yan malinaw na paninira
    Lamang kay Grace Poe ang mga haka-haka
    Nitong kung sino r’yang bayaran lang yata
    Kaya nagkakalat ng maling balita.

    Ipagpalagay na po nating totoo
    Na siya’y di ‘natural-born Filipino,’
    Eh bakit ngayon lang na kakandidato
    Si Ms. Grace Poe para sa pagiging Pangulo

    Saka haharangin nina Rizalito
    David and a certain Contreras, Antonio;
    At isisiwalat yata diumano
    Ng dalawang yan ang talagang totoo?

    Aba’y kung talagang di pala pupuedeng
    Tumakbo ang anak-anakan ni ‘Da King,’
    Aba’y kumilos na’t inyong madaliin
    Nang hangga’t maaga’y magawang harangin!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here