‘A dead-end for the riding-in-tandem’

    113
    0
    SHARE

    SA DI SINASADYA, sa wakas, na-‘dead end’
    ang mga kriminal na ‘riding-in-tandem
    sa Culiat, sa kamay ng ‘security men’
    ni Mayor Pamintuan ‘by mere coincidence’

    Ang insidente ng aktual na ‘snatching’
    na naganap – at kung saan tyempo manding
    kitang-kita nina Mayor ang nangyaring
    paghablot n’yan sa bag ng kanilang ‘victim’.

    Galing ang Alkalde sa ‘heritage district’
    kasama ang ilang niyang ‘bodyguard/police’
    nang bago mag-‘right turn from St. Rosario Street,
    papauwi ay matanaw ang pagsagmit

    Ng mga salarin sa dala-dalahan
    ng biktima nilang Korean national,
    Mabilis kumilos ang grupo si EdPam
    upang masakote nila ang mga yan.

    Bagama’t ang isa’y natakasan sila
    nitong sa may ‘downtown’ ay nambibiktima
    ng mga naglalakad lang sa kalsada,
    na may bitbit na bag o anumang dala

    Ay baka tuluyan nang magsipaglubay
    sa ganitong klase riyan ng hanapbuhay
    itong naging bisyo na ang kakapalan
    n’yan ng pagmumukha magkapera lamang.

    Di na bago ang ganitong insidente
    ng ‘riding-in-tandem’ sa Angeles city,
    Malas lang nila at tyempong ang Alkalde
    ng nasabing lunsod pa ang nakahuli

    Na naalarma na sa hinggil sa madalas
    maagawan itong mga naglalakad
    sa may ‘downtown’ lalo’t alanganing oras,
    Kaya’t si Mayor ay nagpalabas agad

    Ng kautusan sa mga kapulisan
    para mabantayan ang kapaligiran
    at mahuli agad ang mga kriminal
    na nambibiktima ng mga ‘pedestrians’

    At bandang huli ay si Mayor pa mismo
    itong sa ‘riding-in-tandem’ nakatiklo,
    Kaya marapat lang sa nangyaring ito
    ang papuri pati sa kasama nito

    Partikular kay ‘retired policeman Nulud’
    na kasa-kasama ng Mayor ng lungsod
    bilang ‘head’ nitong kanyang ‘security group’
    at ika nga’y laging nasa kanyang likod.

    Ang pagkakahuli nina Mayor EdPam
    sa mga ‘snatcher’ nitong nakaraang
    araw lang ng Lunes ay makabuluhan
    kundi man ika nga ay makasaysayan

    Pagkat patunay lang na si Mayor pala
    ay di basta lamang din pang-opisina,
    kundi nag-iikot at tinitingnan niya
    ang kapaligiran sa tuwi-tuwina.

    Na kagaya nitong pati kalinisan
    ng siyudad ay kanya ring binabantayan,
    para manatiling ang kapaligiran
    ay ligtas sa sakit at kapinsalaan.

    Kung saan madalas pati pamilihang
    bayan o palengke ay pinupuntahan
    ni Mayor para lang makitang personal
    ang anumang bagay na di kagandahan.

    Ganyan kasipag ang butihing Alkalde
    nang ngayon ay ‘worldwide known Angeles city’;
    Kaya naman dagsa itong pumupuri
    sa pagiging ‘world class’ na rin niya pati!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here