Anong mayroon sa ‘Wan Chiong’ ng San Simon?

    375
    0
    SHARE

    Kung totoong pilit na pinapipirma
    Ng Wan Chiong ang mga trabahador nila,
    Ng umano ay kusang pagbibitiw na
    Gayong sila yata’y lampas sa ‘8 months’ na

    Yan ay malinaw na ‘unconstitutional’
    At maituturing na grabeng pagsakal
    Ng kumpanyang itong tunawan ng bakal
    Sa karapatan ng taong tinatanggal.

    Pagkat matapos ang panahong naturan
    Ay permanente na dapat ang mga yan,
    Kaya’t para sila’y pilit papirmahan
    Ng ganito, saka ya’y gawing ‘contractual’

    Ay pang-aabuso na nitong nasabing
    Kumpanya sa mga kababayan natin,
    Kung saan ang ‘security of tenure’ din
    Ng lahat tiyakang walang mararating

    Bunsod na rin nitong bilang ‘contractual’ lang
    Ay natural lamang na ang karapatan
    Ng isang empleadong dapat panagutan
    At ibigay nitong ‘employer’ ay kulang

    At anumang oras ay puedeng tanggalin
    Ng ‘agency’ itong sinumang naising
    Itiwalag at/o maisip sipain
    Para makatipid sa mga bayarin.

    Gaya na lang nitong nasabing kumpanya
    Na ayon sa ilang kwenta kumonsulta
    Kay abang lingkod ay tila pinupuwersa
    Silang magsibitiw sa trabaho nila.

    At diumano yata ay pinangakuan
    Na makatatanggap yan ng kaukulang
    Kabayaran oras na nagkapirmahan;
    (At kabilang pa rin sa manggagawa riyan?

    Pero matapos lamang ang ilang linggo
    Ay sisipain na para laging bago
    Ang kanilang mga kukuning empleado
    Na kulang sa lahat na ng benepisyo?)   

    At ang isang bagay na napakasaklap
    Ayon sa ilang ating mga nakausap,
    Ay itong kung bakit nag-‘hired’ pa sa labas
    Ng ‘supervisor’ na wala namang utak.

    At ni katiting na ‘English’ di marunong
    Kaya malimit ay ‘miscommunication’
    Ang nararanasan nitong mga Pinoy
    At mga ‘import’ ng ‘management’ ng Wan Chiong

    Sa ‘operation’ niyan, kaya kalimitan
    Ay medyo palpak ang trabaho kung minsan;
    Pagkat ang ‘import’ at itong ating lokal  
    Na manggagawa’y di magka-intindihan!

    Ang daming kabalen nating magagaling
    Partikular sa ‘technical’ na gawain,
    Ano’t sa labas pa n’yo naisip kunin
    Ang ganito, gayong dito’y marami rin?

    At saka ano’t de baril pa umano
    Itong saksakan din ng yabang na Tsino?
    Na ayon sa ating nakausap mismo
    Ay pinagyayabang ng lintik na ito?

    Di ba’t bawal itong magdala ng baril
    Ang sinuman lalo’t sa labas pa mandin
    Ng ating tahanan kung ya’y walang papel
    Na ‘permit-to-carry’ kung saan dadalhin?

    Kung totoong lahat ang ating nakalap
    Na impormasyong yan ay mangyaring agad
    Kumilos ang ating mga otoridad
    Upang sitahin yan sa gawang paglabag

    Pagkat di malayong ang nasabing baril
    Ay sa karahasan po nila gamitin,
    Tulad na lang nitong nabanggit na natin
    Na pagmamayabang ng Tsino dito sa ‘tin!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here