Sana sa puntong yang inurirat na nga
Ni sir John Enrile ang naturang paksa,
Magtuloy-tuloy na at kumilos nawa
Itong NTC na dapat kumalinga,
Sa mga consumers pagdating sa puntong
Tila ‘unfair business practice’ na nga itong
Ginagawa sa ‘tin nitong mga Cellphone
Companies, na dapat mabigyan ng leksyon!
Kaya lang, ano’t ang NTC kabayan
Ay di pa kumilos kung di ng dahil lang
Sa ‘privilege speech’ o patutsada riyan
Ni Enrile hinggil sa isyung naturan?
At kung di dahil sa importanteng tao
Itong naghayag n’yan sa Senado mismo,
Ay walang gagawin ang ahensyang ito
Upang aksyonan ang ganitong reklamo?
Na kumukwestyon nga sa napakabilis
Maubos ang load niya, gayong ni katitik
Ay di siya nagtext o kaya umulit
Sa natawagan niya ng kung ilang saglit;
(Samantalang nag-load ng 300 pesos?
Ang ating Senador bago siya pumasok
Sa tanggapan nito, pero ba’t naubos
Ang load niya gayong di nagamit halos?
At nang ikatuwiran nitong pinatawag
Na kinatawan ba nitong Globe o Smart?;
Na “baka may ‘ringtone’ po kayong natanggap,
Kaya’t ang prepaid load ninyo ay nabawas”;
Ay matatawa ka kay sir John Enrile
Sa kanyang sagot sa kinatawan bale;
“Aba’y sa edad ko pa ba namang ire
Hihingi ako ng “ringtone” na nasabi?”
Ganun pa man, kahit noon pa yan dapat
Kinuwstyon ng ating mga otoridad
Upang masawata ang ganyang palakad,
Ay maari na ring ipagpasalamat.
Kay sir John Enrile na walang pangiming
Binatikos itong ika nga’y higanteng
Telecom network na ubod ng gagaling
Gumawa ng pera ‘at the expense’ mandin,
Ng mga consumers, na iginigisa
Nila sa sariling mantika kumbaga,
Na kung saan pati ‘advertisement’ nila
Ay sa atin pa rin ipinakakarga?
Pero huli man daw at ubod ng galing
Kasabihan nga ay maihahabol din;
Yan ay kung talagang tututukan natin
At huag hahayaang basta palampasin;
Itong ‘advocacy’ ng ating Senador,
Na sinigundaan ng isa pang Solon;
Na kung saan itong National Telecom
O ang NTC ang tila kilos Pagong?
Na siyang nararapat talagang umaksyon
Kahit simpleng tao lang itong nagsumbong;
Pero haya’t parang pakong di babaon
Kundi pukpukin ang anak ng tipaklong!
(O baka naman ya’y nabibigyan ng tong
Kung kaya’t ang bibig nila’y laging tikom?)
Ni sir John Enrile ang naturang paksa,
Magtuloy-tuloy na at kumilos nawa
Itong NTC na dapat kumalinga,
Sa mga consumers pagdating sa puntong
Tila ‘unfair business practice’ na nga itong
Ginagawa sa ‘tin nitong mga Cellphone
Companies, na dapat mabigyan ng leksyon!
Kaya lang, ano’t ang NTC kabayan
Ay di pa kumilos kung di ng dahil lang
Sa ‘privilege speech’ o patutsada riyan
Ni Enrile hinggil sa isyung naturan?
At kung di dahil sa importanteng tao
Itong naghayag n’yan sa Senado mismo,
Ay walang gagawin ang ahensyang ito
Upang aksyonan ang ganitong reklamo?
Na kumukwestyon nga sa napakabilis
Maubos ang load niya, gayong ni katitik
Ay di siya nagtext o kaya umulit
Sa natawagan niya ng kung ilang saglit;
(Samantalang nag-load ng 300 pesos?
Ang ating Senador bago siya pumasok
Sa tanggapan nito, pero ba’t naubos
Ang load niya gayong di nagamit halos?
At nang ikatuwiran nitong pinatawag
Na kinatawan ba nitong Globe o Smart?;
Na “baka may ‘ringtone’ po kayong natanggap,
Kaya’t ang prepaid load ninyo ay nabawas”;
Ay matatawa ka kay sir John Enrile
Sa kanyang sagot sa kinatawan bale;
“Aba’y sa edad ko pa ba namang ire
Hihingi ako ng “ringtone” na nasabi?”
Ganun pa man, kahit noon pa yan dapat
Kinuwstyon ng ating mga otoridad
Upang masawata ang ganyang palakad,
Ay maari na ring ipagpasalamat.
Kay sir John Enrile na walang pangiming
Binatikos itong ika nga’y higanteng
Telecom network na ubod ng gagaling
Gumawa ng pera ‘at the expense’ mandin,
Ng mga consumers, na iginigisa
Nila sa sariling mantika kumbaga,
Na kung saan pati ‘advertisement’ nila
Ay sa atin pa rin ipinakakarga?
Pero huli man daw at ubod ng galing
Kasabihan nga ay maihahabol din;
Yan ay kung talagang tututukan natin
At huag hahayaang basta palampasin;
Itong ‘advocacy’ ng ating Senador,
Na sinigundaan ng isa pang Solon;
Na kung saan itong National Telecom
O ang NTC ang tila kilos Pagong?
Na siyang nararapat talagang umaksyon
Kahit simpleng tao lang itong nagsumbong;
Pero haya’t parang pakong di babaon
Kundi pukpukin ang anak ng tipaklong!
(O baka naman ya’y nabibigyan ng tong
Kung kaya’t ang bibig nila’y laging tikom?)