Home Headlines Kapag may Usok, may Apoy o Sunog

Kapag may Usok, may Apoy o Sunog

558
0
SHARE

Ngayong ‘disbarred’ na si Ariel D. Maglalang
bilang abogado na kagalang-galang
sanhi ng kung anong mga panlilinlang
para magkapera pati sa kliyente niyan.

Tulad nitong habla laban na rin mismo
sa kanya ng ‘client’ niyang Evelyn Goopio
na ang naging hatol, masuspende ito,
liban sa isoli ang siningil nito

Na diumano’y halos kalahating milyon,
iyan katumbas na ng parusang Hapon
na daranasin n’yan sanhi ng nalulong
siya sa ‘left & right,’ na estilong ‘kotong’.

Kasi nga, isa ang inyong abang-likod
sa di ko direktang masasabing lubos
na ‘yang si Maglalang sanhi ng di ayos
na ‘gender’ nito ay malapit sa unos.

Kung saan ay di lang nga ako kumagat
sa estilo nito pagkat nasa batas
ng Agrarian Reform ang kaso na dapat
sa DAR i- ‘resolve ‘yan; at hindi sa DARAB.

At siyang hanggang ngayon ipinaglalaban
sa Departamento riyan ng ‘Agrarian
Reform’ dito sa ating Pangka-lalawigang
Tanggapan nitong DAR sa ngayon, kabayan.

Malinaw sa ‘Report and Recommendation’
ni Legal Officer MACALINO noong
sa isang RURAL BANK ay isangla itong
‘allocated lot’’ riyan ng mga ‘Mortgagors’

Na sina ERNESTO at FELICITAS CRUZ,
na di nakabayad hanggang sa na- ‘foreclosed,’
ang ‘loan and by an Auction Sale’ kwenta tinubos
ng ‘buyer-in-good faith’ na aba niyong lingkod.

Pagkaraan ako itong ipatalo
ng ‘Adjudicator’ na duminig ng kaso,
sa pamamaraang inilihis nito
ang isyu sa ibang klase ng asunto?

Na isang direktang ito ay ‘civil case
In its nature, of which distinct and separate,
Misplaced and misleading to an intent,
Of resolving the case with anymore regret.

Pero nang dahil sa kakaibang estilo
na nakasanayan marahil ng tuso
at mapangikil na kwenta ‘judge’ na ito
diyan sa DARAB wala ng iba siguro.

At si ‘yours truly’ ay mabibigyan na rin
nitong kasabiha’y patas na pagtingin
ng mga hurado sa alintuntunin
nitong DAR; at di sa kung magkano bilhin!
.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here