Home Headlines Klase sa Bataan muling sinuspindi

Klase sa Bataan muling sinuspindi

605
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Muling sinuspindi ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd ang mga klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang alternative learning system sa buong Bataan Biyernes, Setyembre 1. 

Ito ang pangalawang araw ng class suspension matapos suspindihin din ang klase nitong Huwebes, Agosto 31. 

Sinabi ng governor na ito ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA kung saan ay inaasahan ang malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa lalawigan dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Hanna at Goring.

Inaasahan, ani Garcia, na mula 100 – 200 mm na ulan ang idudulot nito sa Bataan hanggang Sabado. 

Pinayuhan ng governor ang lahat ng ibayong pag-iingat. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here