Home Headlines 25 SSF sa Central Aurora, lumahok sa Basic Bookkeeping Seminar ng DTI

25 SSF sa Central Aurora, lumahok sa Basic Bookkeeping Seminar ng DTI

422
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Nasa 25 miyembro ng iba’t ibang kooperatiba mula sa Central Aurora ang dumalo sa isinagawang Seminar on Basic Bookkeeping for Shared Service Facility (SSF) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ay may dalawang bahagi, ang lektura kung saan ibinahagi ng tagapagsanay ang mga pangunahing impormasyon sa Bookkeeping at ang workshop kung saan aktwal na isinagawa ng mga kalahok ang tamang pagtatala ng pananalapi.

Ayon kay DTI Provincial Director Aldrin Veneracion, ang aktibidad ay may layuning mas maitaas ang kapasidad at kaalaman ng mga kooperatiba na nasa ilalim ng SSF Program pagdating sa mahusay na sistema ng pananalapi.

Nasa 25 miyembro ng iba’t ibang kooperatiba mula sa Central Aurora ang dumalo sa isinagawang Seminar on Basic Bookkeeping for Shared Service Facility ng Department of Trade and Industry. (Michael A. Taroma/PIA 3)

Aniya, ang DTI ay nakikipagtulungan sa mga kooperatiba upang maabot ng mas maraming micro, small and medium enterprise (MSME) ang mga programa ng ahensya tulad ng SSF.

Dagdag pa ni Veneracion, magiging patuloy ang ganitong mga aktibidad upang suportahan at mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga kooperatibang nasa ilalim ng SSF at mga MSME na nakikinabang dito.

May kabuuang 40 SSF project na ang naitatag ng DTI sa lalawigan ng Aurora kung saan 29 dito ang matagumpay ng naisalin ang pagmamay-ari sa kooperatiba habang 11 naman ang patuloy pang sinusubaybayan ng ahensya.

Ang SSF ay isa sa mga pangunahing programang ng DTI na nakatuon sa pagbibigay sa mga MSME at kooperatiba ng makinarya, kagamitan, at sistema na magpapabuti ng kanilang operasyon at pakikipagsabayan sa industriya. (CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here