EX-GOV NG ZAMBALES:
    Bentahan ng lupa sa China hindi totoo

    763
    0
    SHARE
    IBA, Zambales – -Pinabulaanan ni dating Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. ang mga naglabasang report na siya ang nasa likod ng bentahan ng lupa mula sa tatlong bundok sa Sta Cruz, Zambales na ginawang panambak sa reclamation sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

    Ang paglilinaw ay ginawa ni Ebdane sa isang radio program sa Radyo Natin Iba, kung saan ipaliwanag nito sa kaalaman ng mga Zambaleños sa pagsasabing wala siyang karapatan bilang dating gobernador na ibenta ang lupain ng Zambales sa China.

    Ayon kay Ebdane kagagawan ito ng kasalukuyang gobernador na si Amor Deloso dahil sa pagpapalabas ng mali-maling impormasyon na ang China ay nagsasagawa na ng reclamation sa Scarborough Shoal at ang ginagamit na lupa ay galing sa tatlong kabundukan ng Sta Cruz na minimina at nagtayo na sa Sta Cruz ang China ng kanilang military base.

    Ayon kay Ebdane dapat magpakatoto at mag-imbestiga si Deloso bago magpalabas ng ano mang impormasyon na nakakaalarma sa mga Zambaleños kasunod ng pagsasabing “nananaginip lamang ang kasalukuyang gobernador sa kanyang mga maling alegasyon para lamang may mapag-usapan”.

    Nilinaw ni Ebdane na wala siyang karapatan na ipahinto ang mining operation sa Zambales at tanging ang DENR lamang ang siyang may kakayahan nito.

    Sinabi pa nito na ipinaabot na niya ito sa kaalaman ng DENR para mabigyan sa ng authority para ipahinto ang pagmimina, subalit binaliwala ito ng nasabing ahensiya.

    Dugtong pa ni Ebdane na minana lamang niya ang malawakang mining operation nang talunin nito si Deloso noong 2010.

    Panawagan ni Ebdane sa national at local government na magsagawa ng aerial survey sa lugar ng Scarborough Shoal kung may nagaganap na reclamation at ang mga lupa na ginamit ay mula sa Zambales.

    Si Ebdane ay tinalo ni Deloso nitong nagdaan election sa pagka-gobernador ng Zambales dahil sa isyu ng mining operation sa lalawigan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here