Si Sister Patricia Fox, 71, isang Australian missionary na 27 taon nang nananatili sa bansa ngunit idinitine ng Bureau of Immigration at pinapadeport na pabalik Australia dahil umano sa partisan political activities nito kontra gobyerno ng Pilipinas.
Nitong Linggo ay nilibot ng madre ang mga pabahay ng National Housing Authority na inokupa ng Kadamay noong nakaraang taon at kinumusta ang mga ito.
Tiningnan niya rin ang klinika na naitayo ng grupo sa kanya ring tulong at sinubukan pa nitong magbomba ng tubig para sa mga residente.
Ayon kay Fox, suportado niya ang grupong Kadamay sa pag-ookupa sa mga nakatiwangwang na pabahay ng gobyerno.
Kanya ding sinusuportahan ang mga pagkilos ng naturang grupo dahil sa pagkakaisa na ipaglaban ang kanilamg karapatan.
Ayon kay Fox, marami sa mamamayan ang walang bahay kayat sumusuporta siya sa maralita.
Mensahe niya sa gobyerno dapat nakikinig ang mga lider sa mga mahihirap at dapat may tulong dito ang pamahalaan.
Sana din daw maging prayoridad ng gobyerno ang mga pamamaran kung papaano matutulungan ang maralitang Filipino sa kanilang pangangailangan.
Samantala, sa usapin ng kanyang deportation ay nag-fi le na daw ang kanyang kampo ng motion for reconsideration para manatili sa bansa.
Hindi naman daw siya sumama sa mga rally laban sa pamahalaan kaya’t wala siyang dapat na ikatakot.
Masaya na may halong lungkot naman ang mga miyembro ng Kadamay sa pagbisita ni Fox dahil batid nilang pinaaalis na ito ng bansa.