Mag-asawa huli sa child abuse

    291
    0
    SHARE
    SAN MARCELINO, Zambales —Dinakip ng pulisya ang isang karpintero at ang asawa nito matapos nilang na hatawin sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng isang menor de edad sa Barangay Rabanes sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Geoffrey Javier, hepe ng San Marcelino PNP, ang mga suspek na sina Rene Luna y Fernandez, 48, at Nida Luna y Marapo, 46, residente ng Purok 2, Barangay Rabanes.

    Sa imbestigasyon ng pulisya nagtungo sa bahay ng mga suspek ang isang 16-anyos na dalagita para maningil ng pautang. Sa halip na magbayad, nagalit pa umano ang mag-asawa at pinagpapalo ang biktima sa ibatibang bahagi ng kanyang katawan.

    Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong physical injury in relation to RA 7610 (Child Abuse Law) sa tanggapan ng Zambales Prosecutor Office.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here