Kinilala ni Senior Inspector Geoffrey Javier, hepe ng San Marcelino PNP, ang biktimang si April Grace Aquino, 22, residente ng Block 11, Lot 2, Baytown Homes, Kalayaan, Angono, Rizal at pansamantalang nanunuluyan sa Purok 3, Barangay San Gregorio, San Antonio, Zambales.
Ayon sa mga testigo dalawang kalalakihan ang kanilang nakita sa lugar na nakikipagtalo sa biktima kasunod ng putok ng baril at saka mabilis na tumakas sakay ng single motorcycle.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng .45 baril, backpack bag ng biktima na naglalaman ng plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at pitong bala ng .22 na baril.
Sa Olongapo City patay naman ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng motorcycle- riding criminal sa Barangay East Bajac-Bajac.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roberto Mariano, 43, residente ng No. 28- B, 25th Street, Barangay East Bajac-Bajac.
Ayon sa ulat papauwi na ang biktima at pagtapat sa simbahan ng Mormons ay bigla na lang sumulpot ang suspek at saka pinaulanan ng bala sa katawan ang biktima.
Narekober ng scene of the crime operatives sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng .45 baril.
Sa imbestigasyon ng pulisya, batay sa mga nakakita sa pamamaril ang suspek ay naka-jacket ng kulay puti, nakasuot ng kulay itim na helmet at sakay ng single motorcycle.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa mga nasabing krimen.