Antuking sekyu nawalan ng baril

    489
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY — Isang tutulog-tulog na sekyu ang nawalan ng kanyang service firearm habang ito ay naka-duty sa kanyang binabantayang tindahan sa lungsod na ito.

    Batay sa reklamong nakarating sa tanggapan ng Police Station 1 ng Olongapo City PNP, kinilala ang biktimang si Oliver Olila, 28, at residente ng Purok 4, Barangay Ilwas, Subic, Zambales. Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatulog ang biktima habang naka-duty at dahil sa kasarapan ng tulog, hindi nito namalayan na kinuha na ang kanyang .38 pistol na nakasukbit sa kanyang baywang.

    Batay sa kuha ng CCTV camera sa lugar, mag-asawa ang kumuha sa baril ng biktima nang mapadaan sa tindahan at mapansin na naghihilik pa sa kasarapan ng tulog ang nasabing gwardya.

    May hinala ang mga awtoridad na maaring kakilala ng biktima ang mga suspek at biniro lamang ito, subalit nagkahiyaan nang isauli pa ang baril nang malaman na hinahanap na ito ng nasabing gwardya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here