Akyat-Bahay muling sumalakay sa ‘Gapo

    501
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY- Muli na namang sumalakay ang grupo ng Akyat-Bahay gang kung saan tinangay ng mga ito ang mga home appliances na nagkakahalaga ng P116,000.

    Sa ulat ng Police Station 5 ng Olongapo PNP, ang pagsalakay ay naganap sa bahay ni Eugene Danetaras, 39, ng No. 5-B Neptune St., Barangay Gordon Heights.

    Batay sa pahayag ng biktima umalis sila ng bahay kasama ang pamilya dakong alas-3 ng hapon at sa kanilang paguwi ng bahay ay bukas na ang kanilang garahe at doon natuklasan pinasok ang kanilang bahay ng mga magnanakaw.

    Sa pagsisiyasat ng pulisya nakapasok ang mga di kilalang mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagwasak sa screen sa main door ng kanilang bahay at saka naghalughog. Tinangay ng mga magnanakaw ang isang netbook, dalawang laptops at tatlong flat TV na 50 inches.

    Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here