OLONGAPO CITY – Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng City Anti Illegal Drug Special Operation Team (CAIDSOT) ang isang souvenir vendor sa isinagawang drug operation sa Barangay East Bajac-Bajac sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Randy Biri, 40, residente ng Purok 6-B, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales. Ang suspek ay dinakip ng pulisya makaraan isang plastic sachet ng shabu sa isang undercover agent ng CAIDSOT habang ito ay nasa kahabaan ng Rizal Avenue.
Ayon sa ulat, ginagawang front ng suspect ang pagtitinda ng souvenir items sa illegal nitong gawain.
Nakuha sa pagiingat ng suspek ang sachet ng shabu at P500 marked money. Ang suspek ay detinido sa Police Station 1 detention cell at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng R.A. 9165.