Pulis, pusher arestado

    510
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY- Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng City Anti-Illegal Drug Special Operation Team (CAIDSOT) ang isang pulis Olongapo at ang drug pusher na kasabwat nito sa pagbebenta ng droga sa isinagawang drug operation sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina PO1 Louie Osmond Ballon, 26, nakatalaga sa Police Station 1 ng Olongapo City PNP at Renato Oliva, 54, pawang mga residente ng Barangay Matain, Subic, Zambales.

    Naunang nahuli si Oliva sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Barretto kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang limang plastic sachet ng shabu.

    Nasakote naman sa entrapment operation sa Ulo ng Apo Rotonda na naka uniporme si Ballon matapos na tanggapin kay Oliva ang P5,000 marked money na pinagbentahan ng shabu.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here