2 nakaw na sasakyan narekober sa Zambales

    437
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Dalawang nakaw na sasakyan ang narekober ng mga tauhan ng Zambales Provnincial Highway Patrol Team (ZPHPT) sa patuloy na pina-igting na kampanya laban sa carnapping sa Zambales at sa lungsod na ito.

    Sa ulat ni ZPHPT provincial officer, Senior Inspector Isabelo C. Ganao, unang narekober ang isang L-300 van (TCS-616) sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales na pagmamay-ari ni Ronaldo Fernandez ng No. 115 Santolan St., Barangay Sta Rita, Olongapo City.

    Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Marlon Agno, nakaparada ang sasakyan sa Remy Field sa SBMA nang kunin ito ng di kilalalng suspek at saka iniwan sa bayan ng Subic.

    Narekober din ng ZPHPT ang isang single Honda motorcycle (IT-7876) na pagmamay-ari ni Ailyn Grace Sanao ng No. 24 Perimiter St, Barangay Pag-Asa, Olongapo City matapos itong masundan ng pulisya habang papasok sa W.W.W Machine Works sa No. 17, 12th St., Barangay East Tapinac, Olongapo City.

    Ayon sa may ari ng talyer na si Torres, isang nagngangalang "Noel" na taga Dinalupihan, Bataan ang nag-iwan sa kanila ng motorsiklo para ipagawa ito.

    Ang mga nasabing sasakyan ay nasa pangangalaga ng ZPHPT at isasailalim ito sa macro etching examination sa PNP Crime Laboratory.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here