International Coastal Clean Up ginunita

    438
    0
    SHARE

    BEACH CLEAN UP. Ipinapakita ni Vivian Espinos, director for Conservation and Education ng Ocean Adventure ang mga basura na nakuha sa isinagawang International Beach Clean Up sa paligid ng Ocean Adventure at Camayan Beach Resort.

    Kuha ni Johnny R. Reblando

    SUBIC BAY FREEPORT— Nagsama-samang ginunita ng mga taga Olongapo at mga locators ng Subic Bay Freeport Zone ang ikalawang linggo ng Setyembre bilang takdang araw sa International Coastal Clean Up.

    Pinangunahan ni Olongapo City Mayor James Gordon Jr., kasama ang mga lokal na opisyal, kapulisan, mga residente, guro, at mga estudyante ang paglilinis sa baybayin ng Barangay Kalaklan na may temang “Kalaklan Parola: Shore it up; International clean up for excellence”.

    Sumabak din sa paglilinis ang Ocean Adventure at Camayan Beach Resort na may temang “Subic, Shore it up!”

    Sinabi ni Scott Shape, director for marine and dive operations, Subic Bay Marine Exploratorium, Inc., sa kabila ng halos taon-taonn paggunita sa Coastal Clean Up ay wala pa rin pagbabago at hindi na natuto ang ating kababayan sa tamang pagtatapon ng basura.

    Sari-saring basura naman ang nakuha sa paligid ng Camayan Beach Resort matapos itong anurin ng malakas na alon ng dagat.

    Nanawagan sa publiko si Vivian Espinos, director for conservation and education ng Ocean Adventure na dapat nang matutunan ang tamang pagtatapon ng basura.

    Ayon pa kay Espinos, mas maraming basura ang nakuha noong nakaraang taon kung ikukumpara sa ngayon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here