Bilihan ng boto, isyu sa special election

    377
    0
    SHARE

    Inilahad ni dating gebernado Amor Deloso na ang sinabi niyang kumparasyon sa halaga ng hayop at bilihan ng boto ay naaayon sa circular umano ng DTI No. 1102 na kung susuriin maigi ng mga tao ay “inonse ka na inuto ka pa.”

    Kuha ni Johnny R. Reblando

    IBA, Zambales —-Tampok ngayon sa ginaganap na kampanyahan sa special election sa ikalawang distrito ng Zambales ang isyu hinggil sa bayaran umano ng boto.

    Sa isang rally ng Liberal Party sa Barangay Uacon, Candelaria hindi lamang binatikos kundi naglabas pa ng visual aid si dating Governor Amor Deloso upang lalong maintindihan ng audience ang sistema ng isang political camp sa pagbabayad umano nito sa mga botante at mga tao.

    Batay sa inilabas na datus ni Deloso hindi umano pare-pareho ang bayad sa mga tao bagkus may kani-kanyang kategorya ang mga ito bagay na aniya’y isang diskriminasyon.

    Inihalintulad din ni Deloso ang presyo ng  boto sa halaga ng hayop bawat ulo. Kung baga ayon sa kanya ang halaga ng baboy na bulog ay P15,000; ang inahin, P10,000; biik, P5,000; manok, P300; at pinakamababa, P200.

    Ang mga naturang presyo ayon pa sa kanya ay nakalap umano ng partido na ibinabayad ng isang kampo politikal sa mga ordinaryong mamamayan gaya sa mga tricycle at jeepney drivers gayundin sa iba pang sektor gaya sa pulis, guro, at iba pang maimpluwensang mamamayan.

    Hindi naman pinangalanan ng dating opisyal ang sinasabing kampo political subalit naintindihan ng mamamayan na ang tinuturo ay ang “naghaharing uri” umano sa lalawigan.

    Nagbibiro ding inilahad ni Deloso na ang sinabi niyang kumparasyon sa halaga ng hayop at bilihan ng boto ay naaayon sa circular umano ng DTI No. 1102 na kung susuriin maigi ng mga tao ay “inonse ka na inuto ka pa.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here