Defensive driving seminar, nahaluaan ng pamumulitika

    394
    0
    SHARE
    Taunan kung gawin ang seminar sa DEFENSIVE DRIVING sa lahat ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan dito sa Olongapo upang bigyan ng gabay at ipala-ala sa mga tsuper na nakakalimot sa ipinatutupad na batas trapiko at mga ordinansang ipinasa ng pamahalaang lungsod ng Olongapo sa sector ng transportasyon.

    Swerte nga ang mga tsuper at bukod tangi ang Olongapo City ang mayroon nito.

    Maganda ang hangarin ng Olongapo City Traffic Management and Public Safety Office, dahil sa tinagal ng panahon marami pa rin ang mga barumbadong tsuper at mga walang galang kapag nasa lansangan.

    Nagsimula ito March 14, 2001, may siyam na taon ng nakakalipas ng ilunsad ang Safety and Defensive Driving and Public Awareness Campaign on Clean Air Act Seminar, kasama dito ang Safety Organization of the Philippines (SOP), Land Transportation Office (LTO), PNP Traffic Management Group (TMG) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

    Ang Alkalde noon ay si Kate Gordon at ang Regional Director ng LTO Region lll ay si Lucy Canastra at ang nasa TESDA Zambales, Director lll ay si Dr. Amancio Villamejor, Jr.

    Maganda ang simula at marami ang natutunan ng bawat tsuper. Habang tumatagal tila nagbabago ang ihip ng hangin dahil sila-sila, kami-kami, sa medaling salita, ang Traffic and Public Safety Management Office na ang nagbibigay ng seminar sa mga tsuper, pinaaala dito mga CITY ORDINANCE, Aba! Wala namang masama dito nalalaman ng bawat tsuper.

    Ang sa akin lang dapat mag-iimbeta ng mga taga LTO at HPG personnel na magbibigay ng ilang panuntunan sa batas trapiko gaya ng una ng simula ang DEFENSIVE DRIVING SEMINAR.

    Sa obserbasyon ng CASTIGADOR pauli-ulit na sinasabi tao-taon ang CITY ORDINANCE, alam ninyo hindi na mababago yan at naisabatas na dapat lang yan na ipatupad at sundin ng bawat tsuper, di po ba?

    Akalain ninyo, mahigit sa 6-na ORAS na nag-simenar ang mga tsuper mga CITY ORDINANCE lang tinalakay, paano kasi panahon ng PULITIKA, sumingit at kinakailangan mag-pakilala sina CITY COUNCILOR, VICE MAYOR at ang pinakamahalaga si MAYOR.

    Tanong! Ano ang kinalaman nila dito? Sa Committee on Transportation, maaring okey pa dahil may kaugnayan ito sa ibinibigay na seminar, pero nagulo lamang ito dahil sa panghihikayat sa mga tsuper ng mga tumatakbong kandidato na sana naman sa susunod muli silang maluklok sa PUWESTO.

    Dapat nabigyan ng sapat na dagdag kaalaman ang mga tsuper sa bagong batas na ipinapatupiiral ng LTO na may kilamaman sa RA 4136, ito yung LTO Law.

    Sa mga TRAFFIC SIGNS, marami parin sa mga tsuper kung turingan ang hindi nakaka-alam nito na dapat isa yun sa mga tinatalakay sa seminar.

    Sana naman sa mga susunod pang mga seminar magagawa na ito ng walang halong pamumulitika.

    Ayos ba mga TIONG???…

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here