Home Headlines Bulacan humakot ng 24 na nasyonal, rehiyon na parangal

Bulacan humakot ng 24 na nasyonal, rehiyon na parangal

590
0
SHARE
Iprinesenta nina Gobernador Daniel Fernando (kaliwa) at Bise Gobernador Alex Castro (kanan) ang mga nakamit ng parangal ng lalawigan mula sa nasyonal at rehiyon dahil sa mabuting pamamahala. (PPAO)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May kabuuang 24 na pangnasyunal at rehiyong parangal ang naiuwi ng Bulacan mula sa iba’t ibang larangan ng mabuting pamamahala.

Sa nakalipas na anim na buwan sa pangalawang termino ni Gobernador Daniel Fernando, nakuha ng Bulacan ang 2022 Most Business-Friendly Province award mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry at pang-10 naman bilang Most Competitive Province sa lahat ng lalawigan sa bansa na ibinibigay ng Department of Trade and Industry.

Ayon kay Fernando, iniaalay niya ang mga nasabing parangal sa mga kawani ng pamahalaang panlalalawigan sa nakamit na tagumpay na naging kaisa at tumulong upang maisakatuparan ang iba’t ibang programa para sa mga Bulakenyo.

Ito rin anya ay sumi-simbolo sa epektibong serbisyo publiko para sa mga kalalawigan.

Bilang resulta ng mabuting pamamahala, nakamit ng pamahalaang panlalawigan ang ika-anim nitong Seal of Good Local Governance at ang apat pang parangal mula sa 2022 Gawad Timpukan Central Luzon Award kabilang ang Recognition for the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children, Local Council for the Protection of Children, Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program 2021, at Local Government Support Fund-Conditional Matching Grants to Provinces.

Lumabas rin ang husay ng lalawigan sa pinansyal na aspeto ngayong taon at nakamit ang Top 3 sa Local Revenue Generation Hall of Fame Award para sa Fiscal Year o FY 2018 hanggang 2020, at Top 2 sa Highest Locally Sources Revenues para sa FY 2021.

Sa aspeto ng programang pangkalusugan naipagkaloob dito ang limang parangal sa ginanap na 8th Central Luzon Excellence Awards for Health kabilang ang Outstanding Epidemiology and Surveillance Unit, Best in Multi-Sectoral Collaboration on COVID-19 Vaccination, Pulang Laso Excellence Awards for Health na ipinagkaloob sa Bulacan Medical Center (Hospital Category), Excellence Award for Disaster Risk Reduction and Management o DRRM in Health, at Excellence Award in Universal Health Care implementation.

Limang parangal sa sektor ng agrikultura kabilang ang Rank 2 on Outstanding Performance in the implementation of projects, accounts and programs under the High Value Crops and Development Program; Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizer; Highest Number of verified farmers and farm lots under the RCM-FFR (Provincial Category; Outstanding Province in Central Luzon, at Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizers (RCEF Provinces).

Nakamit rin ng lalawigan ang Beyond Compliant Seal of Excellence sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Councils and Offices.

Dagdag pa rito, pinarangalan ang Bulacan bilang 2021 Top Performing Public Library in the Philippines – Provincial Category ng National Library of the Philippines at Asia Foundation, at ng Energy Efficiency Excellence Awards mula sa Department of Energy; wagi ang SINEliksik Bulacan ng Best Program for Culture and the Arts Grand Champion mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines – Department of Tourism; at kinilala si Fernando bilang 2022 Most Influential Elected Official ng Gawad Amerika Awards.(CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here