Home Headlines P418-K shabu nasamsam sa Ecija

P418-K shabu nasamsam sa Ecija

485
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN – Hindi na nakapalag ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos umanong makuhanan ito ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P418,200 sa buy-bust operation sa Barangay Sumacab Sur dito bandang alas-2 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ferdinand Robles, 41, residente ng Sitio Looban, Barangay Caalibangbangan, ng lungsod na ito.

Ayon kay Col. Richard Caballero, OIC ng Nueva Ecija Police Provincial Office, may kabuuan na 61.5 na gramo ng shabu ang nakumpiska mula kay Robles sa operasyon na isinagawa ng magkakasanib na unit ng pulisya sa pangunguna ng Cabanatuan City Police Station.

Gamit ang isang markado na P1,000 bill ay matagumpay umanong nakabili ang undercover na pulis ng isang sachet ng shabu mula kay Robles, ayon kay Caballero.

 Nakuha mula sa suspek ang karagdagang 13 sachet ng hinihinalang shabu na nakalaman sa isang coin purse matapos na ito’y maaresto at isailalalim sa inspeksiyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng city police station.

“The fight against illegal drugs continues and we will utilize all available means and resources of the PNP to get rid of this menace,” sabi ni Caballero. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here