Home Headlines Firefighters training sa Subic

Firefighters training sa Subic

772
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Siyam sa 15 trainees na firefighters ang nakapasa at malapit nang makatapos sa masusing pagsasanay na isinasagawa ng Subic Order and Public Safety Office (SPOSO).

Ang pagsasanay ay nagsimula noong June 9 at magtatapos sa July 9. Ayon kay SPOSO public information officer John Carlo Ramos, ang pagsasanay ay naisagawa sa tulong at suporta na ipinagkakalob ni Subic Mayor Jonathan Khonghun.

Sinabi ni Ramos na kabilang sa pagsasanayan ng mga trainees ay ang basic firefighting, fire suppression, emergency medical services at water search and rescue operation.

Dugtong pa ni Ramos na sasanayin din ang mga trainees na mahubog sa discipline, behavior at attitude para maging ganap na firefighters. Ayon naman kay Romeo Hernandez, pinuno ng SPOSO, sasailalim din sa pagsasanay ang siyam na nakapasang trainees bilangĀ  driver at kung sino ang makakapasa sa pagsasanay ang siyang magiging certified emergency driver ng fire truck at ambulansya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here