Home Headlines Supply ng siling labuyo kinakapos, presyo lumolobo

Supply ng siling labuyo kinakapos, presyo lumolobo

1029
0
SHARE
Hawak ng tinderang si Lisa Aviado and isang supot ng sili sa halagang P10. Kuha ni Ernie Esconde

LUNGSOD NG BALANGA – Kinakapos ang supply at lumolobo ang halaga ng siling labuyo sa mga pamilihan ng Bataan tulad sa lungsod na ito, daing nitong Sabado ng mga tindera sa vegetable section ng Balanga City Public Market.

Ayon sa tinderang si Lisa Aviado, wala na silang makuhang siling labuyo sa kanilang mga supplier at tumaas ang presyo nito na P400 ang isang kilo ngayon na dati ay P80 – P150 lamang. Sinabi nitong tiyak daw na lalo pang lolobo ang presyo nito sa susunod na mga araw.

Ipinakita pa ni Aviado ang isang plastic ng siling labuyo na iilan lamang ang laman na P10 na raw ang halaga ngayon mula sa dating P5.

Galing umano sa Divisoria sa Manila at lalawigan ng Nueva Ecija ang kanilang ibinebentang sili. “Dito sa Bataan meron din pero hindi sapat at matumal. “Nagtityaga na lamang kami,” sabi ng tindera.

Samatala, ang bawang naman, sabi ni Aviado, ay walang problema sa supply ngunit galing daw China ang mga ito. “Maraming bawang pero galing ng China.
Ang bawang Tagalog na galing sa Ilocos ay wala at seasonal ang mga ito. Mura lamang umano ang imported na bawang na P90 – P100 kada kilo samantalang ang bawang Tagalog ay P150 – P200.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here