Home Headlines Zambales winners na-iproklama na 

Zambales winners na-iproklama na 

921
0
SHARE

Proklamasyon ni reelected Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Jr.


 

IBA, Zambales – Pormal nang iprinoklama ngayong Martes si reelected Zambales Gov. Hermogenes Ebdane na nakakuha ng kabuuang 199,884 boto laban sa katungali nitong si dating 2nd District Rep. Cheryl Deloso-Montalla na nakakuha ng 133,479 na boto.

Sa pagka bise gobernador, nanalo ang baguhan sa politiko na si Jaq Khonghun na nakakuha ng boto na 215,608 laban sa katunggali na si dating bise gobernador Ramon Lacbain lll na nakakuha ng boto na 90,098.

Sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Zambales nanguna si dating Botolan Mayor Nanay Bing Maniquiz na nakakuha ng 144,060 boto laban sa kanyang katunggali na si dating Zambales Gov. Amor Deloso na nakuha ng 76,906 boto at Philip Camara na may 10,890 boto.

1st District Rep. Jefferson “Jay” Khonghun.

Sa pagka-kongresista sa unang distrito naman, malaki ang inilamang ni Vice Governor Jefferson Khonghun na may 152,471 boto laban kay dating Congresswoman Milagros Magsaysay na nakakuha lamang ng 39,283 boto.

Sama-samang ipinroklama sina Gov. Hermogenes Ebdane Jr., Vice Gov. Jaq Khonghun at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan. Kuha ni Johnny R. Reblando

Sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Olongapo nakakuha ng bagong mandato si reelectionist Mayor Rolen Paulino, Jr. na may 53,117 boto laban sa kanyang tatlong mga katunggali na sina Eche Ponge na may 26,549 boto, Arnold Vegafria na may 14,742 boto, dating Vice Governor Anne Marie Gordon na may 2,896 boto, Boy Cunanan na may 305, at Delfin Pradas na may 204.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here