Home Opinion Tama ba ang kahit sino na lang?

Tama ba ang kahit sino na lang?

756
0
SHARE

SA dami r’yan nitong mga aspirante
sa pagka-pangulo at tumakbong bise,
sa kabila r’yan ng tig-isa lang bale
itong iuupo ay malaking siste!

Sampu itong para sa pagka-pangulo
at siyam itong bise riyan na tumakbo;
ganyan na kagrabe ngayon itong mundo
ng pulitika ng mga Pilipino?

Halos isang daan itong nagpalista
sa pagka-pangulo; ang ‘vice’ halos treynta.
Anong mayrun tayong klaseng pulitika
na itong humabol r’yan sangkaterba?

Ipagpalagay na nating parehong siyam
ang tumakbong pangulo at pangalawang
pangulo, hindi ba’t ang ganitong bilang
ay malaki pa rin kaysa karaniwan?

Maituturing na kawalan ng sapat
na pag-analisa  ng ibang naghangad
tumakbo basta nang di muna binalak
man lang sa sarili kung ano ang dapat?

Matulungin man at maluwag ang bulsa,
na siyang sa mundo ng ating pulitika
itong pangunahin  bago ang lahat na,
ang maging praktikal tayo ay kasama.

Gaya ng tama at tayo ay mayaman
pero kung di tanyag ang ating pangalan,
napakaliit ng tsansa na makamtan
ang hangaring maging isang pangulo riyan.

Katulad na lamang ng ibang tumakbo
na ni kabarangay posibleng di nito
kadaupang palad o kilala ito,
maasahan ba n’yan na siya’y iboto?

Gaya halimbawa nina Abella riyan,
De Guzman, Gonzales at saka si Faisal,
at iba pang hindi kilalang pangalan
lubhang maliit ang tsansang manalo yan.

Ngayon pa lamang ay ‘forecasted’ na natin
kung sino at sino r’yan ang posibleng
mangulelat at yan tiyak na marahil
ay di lalayo sa pang-apat, pang-anim.

Imposibleng hindi sinusubaybayan
nitong alin pa sa kumandidatong yan
ang ‘survey’ hinggil kung sino talaga r’yan
ang nangunguna at malayo ang bilang?

Aba’y kung sa tantya  r’yan halimbawa
nitong sa ‘survey’ ay di bumabandila,
dapat umatras na kaysa kulelat nga
ang kalalabasan ng maling akala.

D’yan ang iba pa nating kababayan
nagtataka at kung bakit patuloy pang
nagpapakagod itong wala naman
ding kapaga-pagasang sila’y mangibabaw.

Ang ‘single position’ na pinaka-sentro
nitong halalan sa darating na Mayo,
huwag sa tulad lang ng isang bosingero
na tulad ni Pacquiao ipakwintas ito.

Kundi sa kung sino na maibalik n’yan
ang ‘peace and order’ sa Inang bayan,
pagkakaisa at hindi payabangan
at galing ng isang tulad niyang ‘punch drunk’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here