Home Headlines Batuhang ilog piling pasyalan ng mag-aanak

Batuhang ilog piling pasyalan ng mag-aanak

1187
0
SHARE

Kuha ni Ernie Esconde


 

LUNGSOD NG BALANGA — Piniling pasyalan ngayong Linggo ng maraming mag-aanak ang isang batuhang ilog sa lungsod na ito sa Bataan upang magkasama-sama sa isang tahimik na lugar kinabukasan ng Pasko.

Maraming tao ang dumayo sa River Park ng Barangay Tanato, isang upland village sa Balanga City.

Mababaw lamang ang tubig dito na dumaraan sa pagitan ng malalaking bato. Tahimik ang paligid. Habang naliligo ang mga bata, masaya namang nagkukuwentuhan ang ilang katandaan habang ang iba ay abala sa pagluluto ng pananghalian.

“Malinis naman at walang bayad,” sagot ni Rosario Faculdan ng Barangay Cupang sa Balanga City sa tanong kung bakit ang ilog ang napili nilang puntahan.

Kasama umano niya ang kanyang mga kapatid, pamangkin, mga apo at iba pang kaanak.

May mga punong kahoy sa tabi ng ilog na nagsisilbing silungan. Ang iba’y naglatag ng malaking kumot upang maging sapin na higaan ng mga sanggol.

Upang marating ang ilog, lalakad sa isang lakdat na palusong at sasalunga naman kapag paalis na.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here