Home Opinion Ang pangulong Digongwalang tiyak na direksyon

Ang pangulong Digong
walang tiyak na direksyon

1019
0
SHARE

DI KAYA itong si pangulong Duterte
ay ulyanin na nga kaya ang sinabi
nito, na kahit siya’y abutin ng ‘twenty
years’ sa puwesto niya bilang presidente;

Di n’yan mabigyan ng kaukulang lunas
ang lahat ng bagay na labag sa batas
na patuloy pa rin sa pamamayagpag,
kung kaya ganito ang naging pahayag:

Na isa pang Marcos ang aniya’y kailangang
maiupo muli r’yan sa Malakanyang.
Kaya sino pa ba kundi si Bongbong yan
base sa malinaw na kanyang tinuran?

(At tiyakang hindi si senador Bong Go
ng nais tukuyin ng ating pangulo;
una – di Marcos ang kanyang apelyido
kahit pa man “Bong” ang kwenta ‘nickname’ nito.

Wala siyang sinabi na ihalal natin
si BBM kundi pagtukoy lang mandin
sa ‘surname’ na Marcos, ang sa ganang atin
malinaw na prueba kung pakasuriin.

Aywan lang kung ano ang pakahulugan
ng nakararami nating kababayan,
na di pag-indorso ang ganyang tinuran
ni PRRD na mahirap masakyan.

Di ko sinasabing wala sa direksyon
ang ibang kung minsa’y salita ni Digong;
subalit may mga pangungusap itong
mapagkakamalan na siya’y ‘misinformed’.

Sabi niya, si Sara, di niya papayagang
tumakbo para sa puwestong pang-nasyonal,
pero nakaya ba nitong mapigilan
ang anak – sa anong gustong mahawakan?

At itong aniya ay magre- ‘retire’ na siya
sa daigdig ng maruming pulitika
matapos ang ‘six years,’ pero tinupad ba
ni Digong ang sa’tin ipinangako niya?

Hayan, bago pa r’yan sumapit ang takdang
‘deadline’ ng pag-‘submit’ nitong kaukulang
C.O.C. ng kanyang kwenta pinalitan
sa pagkandidato nai- ‘file it on time’.

At ang di magandang kasunod ay itong
nagawa nga n’yan ang siya ay tumakbong
kasama si Bong Go ‘as president’ gayong
batid ng lahat ang manok niya’y si Bongbong?

At pagka-senador ang habol ni Digong
sa ilalim nga ng ‘ruling party’ ngayon;
na kung saan sila ni senador Bongbong
ay magka-iba ng ‘political color’.

Kaya, nasaan na ang kanyang pahayag
na maliban sa isang Marcos, na hahawak
sa timon ng bayan, na ating mahanap
at ihalal – di tayo kailanman uunlad?

Mas makabubuting ang tulad ni Bongbong
ang ihalal at hindi ang isang mestisong
Intsik, na siyang gustong pamalit ni Digong
kay BBM, na siyang ‘genuine’ na Pinoy!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here