Home Opinion ‘Some are merelynuisance candidates’

‘Some are merely
nuisance candidates’

951
0
SHARE

MATAPOS ang pag-‘file’ ng mga COC
nitong tatakbo sa pagka-Presidente
Bise, Senadores at Representante
ng bawat probinsya at Party-List pati;

Pagka-Gobernador, Bise, mga Bokal
Alkalde, Bise at tatakbong Konsehal,
para sa halalang Nasyonal at Lokal
sa nuebe (9) de Mayo  ng taong daratal.

Ang resulta nasa nobenta y (97) siete
itong tatakbo sa pagka-Presidente;
at itong hahabol r’yan sa pagka-Bise,
‘base on official list’ nasa (29) beinte nuebe.

Sa pagka-Senador humigi-kumulang
sa siento sitenta (170) itong mga nag-‘file’
ng COC nila, gayong dose (12) lamang
ang kinakailangan yata na ihalal?

Kapansin-pansin ang sa pagka-Pangulo,
na halos ay isang daan ang tatakbo,
kung saan ang ibang aspirante di mo
mawari kung galing yan sa ibang mundo?

Di ko ninanais na ya’y insultuhin
sa kung anong hindi marapat gayahin,
pero yan sa ganang pananaw po natin,
maihalintulad sa isang ‘Vaudeville’

Gawin naman sanang disente’t  marangal
ang kung anong klase r’yan ng panuntunan
na kinakailangang sundin sa pagtakal
sa kakayahan ng bawat indibidual.

Baguhin na dapat ang Saligang Batas
ng Comelec itong ‘provided we can write
and read’ ay pupuede na tayong sumabak
sa ating halalan – na maling panukat.

Pupuede yan sa’ting  pambarangay level,
gaya ng sa puesto ng ‘barangay captain,’
kagawad, na tapos lamang ‘grade 7’
pero sa higit pa, dapat ay mas ‘higher’.

Kasi nga kahit na tapos ng ‘high school’
hirap makapasok ang isang ‘Janitor,’
ito pa kayang riyang ‘subject’ natin ngayon
ang pupuedeng maging ‘successor’ ni Digong?

Itong napanood nating nagsumite
sa Comelec ng kani-kanyang  C.O.C.,
di sa panghahamak,  asa mo’y pulubi
ang hitsura nitong ang pangarap grabe.

Tama’t  di labag sa ating Konstitusyon
sa kahit sino ang magnasang humabol,
pero ‘yan sa ganang sariling opinion
ng aba n’yong lingkod di tama ang gayon.

Dapat may restriksyon sa naturang bagay,
na kung saan bawat isa ay lumagay
sa ika nga’y antas na dapat kalagyan,
ang ‘grade school’ at ang mga propesyonal.

Nang di sa masaklap na level humantong
at maging ‘nuisance’ ang gaya ng humabol
sa pagka-Pangulo kahit batid nitong
ang tiyak pagkalagyan, diskwalipikasyon.

At kasunod nito’y pawang ideklara
na ‘nuisance candidate’ ang halos otsenta,
na pampagulo lang sa Comelec tuwina,
ang ganyang bagay na dapat wakasan na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here