Home Headlines Covid-19 Bataan: 4,245 aktibong kaso 

Covid-19 Bataan: 4,245 aktibong kaso 

697
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 4,245 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease sa Bataan nitong Miyerkules matapos umakyat sa 20,245 ang bilang ng mga nagpositibo nang madagdagan ng 292 bagong kumpirmadong kaso, ulat ng provincial health office ngayong Huwebes.

Tumaas naman sa 15,282 ang mga nakarekober nang magtala ng 266 na mga bagong gumaling samantalang pumalo sa 718 ang mga namatay matapos magkaroon ng walong bagong pumanaw.

Nangunguna pa rin ang Mariveles sa pagkakaroon ng 1,211 aktibong kaso, na sinundan ng Balanga City – 756, Dinalupihan – 544, Limay – 474, Orion – 244, Orani – 177, Samal – 174, Abucay – 168, Hermosa – 141, Pilar – 132, Bagac – 116, at Morong – 108.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa Dinalupihan (78), Balanga City (50), Hermosa (42), Orion (30),  Abucay (26), Limay (22), Pilar (11), Mariveles (10), Samal (10), Morong (6), Bagac (4), at Orani (3).

Sa mga bagong nakarekober, pinakamarami sa Mariveles – 98, kasunod Orion – 41, Bagac – 25, Abucay – 24, Hermosa – 20, Balanga City – 15, Samal – 13, Morong – 12, Limay – 10, at Pilar – 8.

Kabilang sa mga bagong nasawi ang 75-anyos na babae sa Bagac, 65-anyos na babae sa Balanga City,  64-anyos at 19-anyos na lalaki sa Hermosa, 76-anyos at 43-anyos na babae sa Mariveles, 61-anyos na babae sa Orion, at 48-anyos na lalaki sa Samal.

Nakatanggap na ng unang dose ng bakuna laban sa Covid–19 ang 229,488 indibidual samantalang fully vaccinated na ang 125,284 kasama ang 43,404 na nabakunahan ng single-dose Janssen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here