Home Headlines 56,875 Bulakenyo nabakunahan na laban Covid-19

56,875 Bulakenyo nabakunahan na laban Covid-19

821
0
SHARE

Isang medical frontliner habang binabakunahan sa Bulacan. Contributed photo



LUNGSOD NG MALOLOS
— Nasa 56,875 Bulakenyo mula sa mga prayoridad na sektor ang nabakunahan na laban sa Covid-19.

Nasa 13,731 na sa kanila ang nakapag bakuna ng second dose.

Inilahad ni provincial health office spokesperson Patricia Alvaro na kabilang dito ang mga nasa A1 o medical at hospital staff frontliners na 27,719 na ang nakapagpabakuna ng first dose at 6,338 sa kanila ang nakapag second dose.

Nasa 16,593 naman ng mga senior citizens na nasa A2 ang tumanggap na ng first dose at 1,635 sa kanila ang nakakumpleto na ng second dose.

Sa A3 priority na kinapapalooban ng mga adults na may comorbidities o iyong nakakaranas ng iba’t ibang karamdaman, 11,267 ang nakapagpabakuna ng first dose at 4,930 ang nakakumpleto na. Pwede pang bakunahan ang mga nasa sektor na ito na hindi pa nababakunahan.

Sinimulan na rin sa Bulacan ang pagbabakuna sa mga nasa A4 o yung mga tinatawag na economic frontliners kung saan 66,361 ang target. Sa loob ng bilang na ito, 1,292 ang nabakunahan ng first dose habang 828 sa kanila ang tapos na sa second dose.

Samantala, may apat namang nasa A5 priority ang nabakunahan na sa lalawigan sa target na 251,496. Sila ang sektor na nakatala sa listahanan ng Department of Social Welfare and Development. Shane F. Velasco/PIA3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here