Home Headlines Bataan university exec patay sa car crash

Bataan university exec patay sa car crash

812
0
SHARE

ABUCAY, Bataan Patay ang isang opisyal ng Bataan Peninsula State University (BPSU) matapos sumalpok ang minamaneho nitong Toyota Revo sa sinusundang dumptruck sa bahagi ng Roman Superhighway dito Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Abucay police chief Major Leopoldo Estorque, Jr. ang nasawi na si Jose Paulo Tuazon, 37, BPSU director for auxiliary and entrepreneural services at residente ng Dona Francisca Subdivision sa Balanga City.

Ayon kay Estorque, ang dalawang sasakyan ay binabagtas ang highway sa isang direksiyon papuntang Balanga City nang maganap ang sakuna malapit sa crossing ng Barangay Laon sa Abucay bandang alas-7:30 ng gabi.

Batay sa dash cam, aniya, ay malayo ang agwat ng Toyota Revo sa dumptruck nang mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Estorque na nabulaga ang AUV na nasa likuran na ito ng dumptruck na huminto pero moving pa rin at hindi full stop dahil paliko sa kaliwa papasok sa Laon.

“Batay sa aming pag-iimbestiga at sa nakitang skid mark sa kalsada, nakapag-apply pa rin ng preno ang AUV subalit inabot pa rin ang likuran ng dumptruck.  Tumilapon ang driver ng AUV at nahandusay sa kalsada,” sabi ng hepe ng pulisya.

Agad umanong rumesponde ang pulisya at ang mga tauhan ng Metro Bataan Development Authority pero dead on the spot na ang university official.

Patuloy pa ang kanilang imbestigasyon, ani Estorque, habang nasa kanilang kustodiya si Alvin Arro ng Mabatang, Abucay, driver ng dumptruck, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to death and damage to property.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here