Home Headlines Paunang P4.5-M ayuda ng DOT, DOLE ipinagkaloob sa Bulacan

Paunang P4.5-M ayuda ng DOT, DOLE ipinagkaloob sa Bulacan

755
0
SHARE

Si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isinagawang virtual awarding ng ayuda sa mga nasa sektor ng turismo sa Bulacan. Contributed photo



LUNGSOD NG MALOLOS
— Nagkaloob ng paunang ayuda na P4.5 million ang Department of Tourism na ipinadaan sa Department of Labor and Employmentpara sa mga nasa sektor ng turismo sa Bulacan na labis na naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine ngayong 2021.

Sa isinagawang virtual awarding ceremony, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na bawat isa sa 901 na mga inisyal na benepisyaryo ay pinagkalooban ng tig-P5,000.  

Kabilang dito ang 43 na naglalala ng sambalilong buntal sa Baliwag Buntal Handicrafts Manufacturing,at 48 na reflexologist sa Hilot Kamay One Guiguintenyo.

Walong tricycle operators and drivers associations naman ang nakatanggap din ng ayuda kung saan apat na samahan ay pawang mga tricycle drivers sa bayan ng Bulakan na binubuo ng 251 na bumibiyahe sa Barangay Santa Ana, 109 sa San Francisco, 84 sa Triple Junction, at 68 sa Sto. Rosario Tibig.

Nakinabang din ang dalawang TODA sa bayan ng Guiguinto kung saan 131 na mga tricycle drivers sa Barangay Tuktukan at 62 sa Daungan ang napagkalooban habang binigyan din ang 64 na kasapi ng TODA Zesto at 41 sa Poblacion sa bayan ng Marilao.
 
Nagmula ang pondo ng ayuda sa Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act na pinalawig pa ang pag-iral hanggang sa Hunyo 30, 2021 sa bisa ng Republic Act 11519.

May probisyon ng nasabing mga batas na aalalayan ng DOT ang mga micro, small and medium enterprises sa larangan ng turismo, tourism-oriented barangay micro business at iba pang informal sector na tumutulong sa pagsusulong ng turismo.
Sa lalawigan ng Bulacan, itinuturing na kabilang sa sektor ng turismo ang mga nasa TODA dahil sila ang nagbibigay ng mabilis na paraan ng transportasyon mula sa mga national road patungo sa mga tourism destination na nasa mga provincial road at mga barangay na hindi naabot ng linya ng mga dyip. Shane F. Velasco/PIA3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here