Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 10 bagong kaso, 8 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 10 bagong kaso, 8 nakarekober

660
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA Umabot na sa 81 ang pumanaw sa coronavirus disease sa Bataan matapos magtala ng isang panibagong namatay, ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Huwebes.

Ang bagong nasawi ay isang 53-anyos na babae mula sa bayan ng Limay.

Tumaas naman sa 3,723 ang nagpositibo sa virus nang magkaroon ng 10 bagong kumpirmadong kaso samantalang umakyat na sa 3,586 ang lahat ng nakarekober matapos madagdagan ng walo.

Ang aktibong kaso ay pumalo sa 56.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay tig-dadalawa sa Abucay, Samal, Limay, at Dinalupihan at tig-isa sa Hermosa at Balanga City na ang pinakabata ay 10-anyos na babae at pinakamatanda ay 80-anyos na lalaki.

Ang walo namang nadagdag sa mga nakarekober ay lima mula sa Orion, dalawa sa Limay at isa sa Abucay. Ang edad nila ay mula 16 hanggang 58 na taon.

Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang 42,269 na sumailalim sa Covid-19 test na ang 38,431 ay nagnegatibo

Sinabi ng governor na kaugnay sa pagkumpirma ng Department of Health na nasa ating bansa na ang bagong Covid-19 variant mula sa UK, patuloy ang pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng quarantine at isolation protocolgayon din ng mga alituntuning pangkalusugan gaya ng paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol, pagsusuot ng face mask at face shield, pagsunod sa social distancing at pananatili sa bahay kung hindi naman kinakailangan o mahalaga ang paglabas.

Gaya ng palaging paalala, ang ating kaligtasan maging ng ating mga mahal sa buhay laban sa Covid-19 ay nasa atin pa ring mga kamay kung kaya’t patuloy tayong mag-ingat upang sama-sama nating malagpasan ang pandemyang ating kinakaharap,” paalaala ni Garcia.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here