Home Headlines Barko ng Philippine Red Cross hatid-tulong sa mga biktima ng bagyo

Barko ng Philippine Red Cross hatid-tulong sa mga biktima ng bagyo

727
0
SHARE

M/V PRC Amazing Grace. Contributed photo



SUBIC BAY FREEPORT — Naglayag na ngayong Miyerkules patungong Catanduanes ang barko ng Philippine Red Cross para maghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Rolly at Ulysses.

Ang M/V PRC Amazing Grace, ang kauna unahang humanitarian vessel sa bansa ng PRC na isa ringdisaster response ship, ay umalis dakong 11:30 ngumaga.

Lulan nito ang kitchen Sets, 10wheeler na kargado ng non-food Items na hygiene kits, blankets, sleeping mats, mosquito nets, at jerry cans.

Ang 195-foot military prototype vessel ay may kakayahang magsakay ng 20 ambulansya at anim na truck na puno ng mga goods.

Pangungunahan ni PRC chairman Sen. Richard Gordon at PRC volunteers ang pamimigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here