Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 2,081 kumpirmadong kaso, 33 patay

Covid-19 sa Bataan: 2,081 kumpirmadong kaso, 33 patay

657
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 33 ang bilang ng mga pumanaw matapos magtala ng dalawang nasawi habang umakyat naman sa 2,081 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan nang magkaroon ng 15 bagong kaso, sabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules.

Sa report ng provincial health office Martes ng gabi, ang dalawang bagong nasawi ay isang 40-anyos na babae mula sa Orion at 63-anyos na babae mula sa Mariveles.

Sinabi ng PHO na ang mga aktibong kaso ay 896 at lahat ng mga ito ay nakaisolate na.

Sa 15 bagong kumpirmadong kaso, 10 ay mula sa Mariveles, tatlo sa Dinalupihan at tig-isa sa Pilar at Abucay.

Ang bilang na ito ay higit na mababa kumpara sa mga natalang kumpirmadong kaso sa loob halos ng nakaraang isang buwan.

Lumabas sa contact tracing na walo sa mga kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact o exposure sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19 – anim mula sa Mariveles at tigisa sa Pilar at Abucay.

Umabot naman sa 1,152 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos madagdagan ng 25 bagong gumaling na ang 12 ay mula sa Mariveles, apat sa Balanga City, tig-dadalawa sa Abucay, Dinalupihan, Pilar at Limay, at isa sa Bagac.

Sa 19,948 na sumailalim na sa Covid-19 test, 17,480 ang nagnegatibo na at 387 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here