Home Headlines 3 menor de edad, 27 iba pa timbog sa drag racing

3 menor de edad, 27 iba pa timbog sa drag racing

625
0
SHARE

Ang mga naaresto sa drag racing ng motorsiklo. Kuha ni Rommel Ramos



SAN RAFAE
L, Bulacan — Arestado ang 30 katao kabilang ang tatlong menor de edad dahil sa karera ng motorsiklo.

Ang mga naaresto ay dumayo pa sa Barangay Coral na Bato sa bayang ito mula San Jose Del Monte para isagawa ang karera at nahuli sa dragnet operation kagabi.

Ayon kay San Rafael chief of police Lt. Col. Ferdinand Germino, nakatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na drag racing sa naturang lugar at nang maberipika ay agad silang nagsagawa ng operation.

Hinaharang pa daw ng mga ito ang mga dadaan na mga sasakyan sa magkabilang panig ng kalsada at hindi pinapadaan para sila makapag-karera.

Paliwanag naman ng magkapatid na sina Dan at Daryl Respicio na kabilang sa naaresto, sila ay nanunuod lamang ng karera kaya naroon.

Wala daw silang kinalaman sa karera at hindi rin pumusta.

Ayon kay Lando Banzon, ama ng isa sa naaresto, nagpaalam ang kaniyang anak na pupunta lamang sa kanilang kapitbahay at nalaman niya na nahuli na ito nang tumawag ito sa kaniya.

Nakuha mula sa mga naaresto ang isang FB Van, isang AUV, dalawang kotse at tatlong motorsiklo na gamit sa karera.

Ang mga naaresto ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa illegal gambling at violation ng umiiral na quarantine.

Habang naka-impound din ang mga sasakyan at mga motorsiklong ginamit sa karera at ang tatlong menor deedad naman ay dadalhin sa DSWD.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here