IBA, Zambales — Isang sanggol na lalaki na apat na araw pa lamang mula nang isilang ang nagpositibo sa coronavirus disease nitong Linggo, kasama ang 21 pang ibang mga bagong kaso ng sakit sa lalawigan.
Iniulat ng provincial health office na pumalo na sa 181 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Zambales.
Ang sanggol na ititnuturing na pinakabatang tinamaang Covid-19 ay mula sa San Antonio.
Labing-siyam naman sa mga bagong kaso ay pawang mga lalaking edad 23 hanggang 52 na nanggaling sa coal-fired power plant sa Barangay Bani, Masinloc.
Ang mga pasyente ay nasa pangangalaga na ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.