Home Headlines P500-K ilegal na tabla nakumpiska

P500-K ilegal na tabla nakumpiska

926
0
SHARE

Si PENRO-Pampanga director Laudemir Salac habang kinukumpiska nila ang natuklasang mga ilegal na kahoy. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG ANGELES
— Tinatayang nasa kalahating milyong pisong halaga ng mga tablang yakal, lawaan, at tanguile ang nakumpiska ng provincial environment and natural resources office ng Pampanga mula sa Romars Trading sa Pandan Road dito noong August 12.

Ininspeksyon ng PENRO ang nasabing tindahan dahil sa pagpaparenew ng lisensya at doon nadiskubre ang mga kahoy na ayon kay Laudemir Salac, hepe ng PENRO ng Pampanga, ay ipinagbabawal sa batas na putulin at ibenta.

Hinala niya na galing ang mga kahoy sa kabundukan ng Sierra Madre dahil doon lamang may makikitang ganitong uri ng mga puno.

Nagpakita ng mga dokumento para dito ang may-ari ng tindahan ngunit hindi daw ito tumutugma sa mga uri ng kahoy na natagpuan sa kanilang bodega kayat beberipikahin rin nila kung kanino nagmula ang mga ito.

Aniya, ang posibleng kasong kaharapin ng may-ari ng tindahan ay paglabag sa PD 705 Section 68 na nagsasabi na ang pagputol, pagtatago at pagbebenta ng mga puno ay kailangang kumuha ng permit sa DENR.

Sagot naman ng may-ari ng tindahan na may permit na hawak ang supplier nito at nasa apat na taon nang nakaimbak sa kanilang bodega ang mga kahoy na iyon at gagamitin sana sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here