Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 29 bagong kaso pinakamarami sa isang araw

Covid-19 sa Bataan: 29 bagong kaso pinakamarami sa isang araw

933
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagpahayag ng labis na kalungkutan at pagkabahala si Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules nang matanggap umano niya ang report na may 29 na bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Ayon kay Dr. Rosanna Buccahan, provincial health officer, ito ang pinakamaraming kaso ng Covid-19 na naitala sa isang report buhat noong magsimula ang mapanganib na virus sa lalawigan.

Ang 16 sa mga ito, ani ni governor, ay dumalo diumano sa isang worship service sa isang hotel sa Balanga City.

Batay sa insidenteng ito, naiwasan sana ang local transmission kung naging mas maingat at mas nangibabaw ang pagiging responsible. Disiplinahin natin ang ating mga sarili na sumunod sa mga alituntunin kontra Covid-19 dahil mahaba pa ang tatakbuhin ng labang ito,” sabi ng governor.

Mariing ipinaalaala ni Garcia na ang di natin nakikitang kaaway na virus ay narito pa kaya ang Bataan na nasa ilalim ng modified general community quarantine ay pinahihintulutan ang 50 percent lamang na capacity sa mga pagtitipon na kaakibat ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Nakikiusap ako sa lahat na isabuhay natin ang mga health at safety protocols na paulit-ulit na ipinaaalala dahil ang pagsunod sa mga ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa, ng ating pamilya, mga mahal sa buhay, kaibigan, katrabaho, at sinumang ating nakasalamuha,sabi ng governor.

Ito ay isang malaking responsibilidad na nakaatang hindi lamang sa iilang tao, kung hindi sa bawat isa sa atin dahil ito ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa,” dagdag pa nito.

Sinabi ng governor na napakahalaga ang taimtim na pagdarasal gayun din ang pagtupad sa mga obligasyon sa relihiyon subalit siya raw ay nakikiusap sa lahat na gawin na lamang muna ang pagdarasal sa mga tahanan at kung hindi maiiwasan ang mga maramihang pagtitipon ay gawin na lang muna online.

Hindi kakayanin kung pamahalaan lamang ang haharap sa krisis na ito. Kung kayat paulit-ulit akong nakikiusap sa lahat na habaan pa natin ang ating pagsasakripisyo, mas lawakan ang pang-unawa at magkaroon nang mas malalim na malasakit sa ating kapwa,” pakiusap ni Garcia.

Bilang ibayong pag-iingat umano, patuloy ang contact tracing at swabbing sa mga dumalo sa nasabing worship service pati na sa kanilang mga kaanak, kasabay na rin ang pakiusap na magisolate na sila upang di na dumami pa ang mahawa.

Sa huling ulat ng PHO, umabot na sa 344 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 na ang 95 ay mga aktibong kaso pa.

Ang 16 sa mga bagong kaso na ito na pawang dumalo sa isang worship gathering ay isang 35-anyos na babae, 14-anyos na babae, 54-anyos na babae at 55-anyos na babae, lahat mula sa Abucay; dalawang 30-anyos na babae mula sa Limay at 57-anyos na babae mula sa Orani.

Ang iba pang kumpirmadong kaso na dumalo sa worship service na pawang mula sa Balanga City ay isang 15-ayos na babae, 46-anyos na babae, 22-anyos na lalaki, 51-anyos na lalaki, 54-anyos na babae, 19-anyos na lalaki, 54-anyos na babae, 15-anyos na lalakiat 44-anyos na lalaki.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso na hindi kasama sa religious gathering ay isang 71-anyos na lalaki, 24-anyos na lalaki, at 34-anyos na lalaking overseas Filipino worker, lahat mula sa Dinalupihan; 2-anyos na babae at 38-anyos na babae mula sa Abucay.

Kabilang sa mga ito ang isang 17-anyos na babae, 43-anyos na babae at 34-anyos na lalaki, mula sa Limay; 27-anyos na lalaki at 59-anyos na babae mula sa Balanga City; 41-anyos na lalaking OFW, at 31-anyos na lalaki mula sa Bagac; at 39-anyos na lalaki mula sa Orani.

Ang bilang ng nakarekober sa Covid-19 ay tumaas sa 238 matapos gumaling ang isang 53-anyos na lalaki at 26-anyos na lalaki mula sa Abucay.

Nananatiling 11 ang bilang ng pumanaw na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here