Home Opinion Kung gusto may paraan, kapag hindi may dahilan

Kung gusto may paraan,
kapag hindi may dahilan

844
0
SHARE

TOTOO o hindi na ang Malakanyang
sa Congress ang siyang may utos huwag bigyan
itong ABS-CBN ng ‘renewal’
ng prangkisa nito, may hiwagang taglay.

At isa tayo sa di naniniwala
na malayong kahit katiting ay wala
siyang kinalaman o basbas ika nga
sa isyung ‘yan bilang ama nitong bansa.

Di ba’t noon pa man nabanggit na nito
ang inis kundi man galit na totoo
sa naturang ‘network’ sanhi ng umano
ay di na-ere na ‘campaign  ads’ niya mismo?

(Na ‘up to the last day of said campaign period,’
di naipalabas ng naturang ‘network’
ang ‘paid advertisement’ nito na nabugok
lang d’yan sa ABS, kumbaga sa itlog?).

Sa puntong nasabi, kung anong marapat
na aksyon upang itong nasabing ‘network’
mabigyan ng aral sa hindi pagsunod
sa patakaran ang dapat na managot.

Kung saan at sinong tagapamahala
ng ‘paid advertisements’ ang siya kaipala
ang dapat kasuhan ng pagpapabaya,
na may kaukulan na bayad pinsala.

Tama’t bilang ‘owner,’ may pananagutan
din itong ABS-CBN, kabayan
pero huwag namang ang lahat ay idamay
ng Congress, sa hindi pagbigay ‘renewal’

At/o prangkisa ng ‘network’ na nasabi,
na hinihinala ng nakararami,
dikta ng Pangulo ang nasunod kasi
kaya ang iba pa ay damay nga pati.

Ilang empleyado r’yan ang ngayon ay ‘jobless’
palolobohin pa sa puntong ABS
itong kumbaga ay siya itong ‘reckless,’
pero lahat bale-wala lang sa Congress?

Diyan pumapasok ang ating hinala
at ng may malasakit na taong madla,
na kung bakit minsan magkaiba yata
ang tinititigan at tinitingnan nga!

Eh, bakit itong ‘anti terrorism act,’
naipasa nga ‘yan sa Congress kaagad
nang ika nga’y wala ng maraming satsat,
dahil ang Pangulo karaka’y pumayag?

Alalaon baga, kapagka ginusto
ng ating mahal na butihing pangulo,
ensigida basta’t pabor sa Palasyo,
wala nang marami pa r’yang rekisito.

Lalo pa nga’t mismo itong Malakanyang
ang awtor nitong anumang panukalang
nais pa-isponsor d’yan sa kaninumang
representante na tunay niyang kabagang.

Yan, higit-kumulang itong malinaw na
diyan sa Kongreso at sa Senado pa
tanaw nitong sa’ting gobyerno kumbaga
may malasakit at pagpapahalaga!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here