Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 2 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 2 bagong kaso

680
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Batay sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules ng gabi, may naitalang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Sinabi ng governor na naging dahilan ito upang umakyat sa 265 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 na ang 71 ay mga aktibong kaso o hindi pa gumagaling.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 33-anyos na lalaking overseas Filipino worker mula sa Hermosa, at isang 71-anyos na babae mula naman sa Orani.

Sa kabuuan, nananatiling 184 ang bilang ng nakarekober na o gumaling mula sa mapanganib na virus samantalang 10 pa rin ang pumanaw na, sabi ni Garcia.

Ayon sa provincial health office, nasa 121 ang naghihintay ng resulta ng test samantalang 5,542 ang nagnegatibo na.

Mula umano noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 5,928 na ang sumailalim sa Covid-19test sa Bataan.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19, patuloy ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng face mask at magobserve ng physical distancing na isang metro,” paulit-ulit na panawagan ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here