Home Headlines Travel pass pinapatupad sa Covid-free Masinloc

Travel pass pinapatupad sa Covid-free Masinloc

890
0
SHARE

MASINLOC, Zambales Dahil sa ang bayang ito ang natitira na lamang na walang naitalang kaso ng Covid-19 sa 13 bayan ng Zambales, mahigpit na ipinapatupad ang travel pass sa lahat ng dadayo dito.

Nagpalabas nitong Martes si Mayor Arsenia Lim ng Executive Order No. 20 Series of 2020 na naglalayong higpitan ang pagpunta sa bayan ng mga hindi lehitimong tagaMasinloc simula July 14.

Ipinag-utos ng EO 20 na ang mga residente ng ibang bayan ay dapat munang kumuha ng kaukulang “travel pass” sa kanilang mga pinanggalingang municipal police station bago papayagang makapasok sa bawat border checkpoint ng Masinloc.

Ang mga kapulisan, barangay tanod at awtorisadong tauhan ng LGU ay inaatasang mahigpit na ipatupad ang nasabing EO.
Sa mga lehitimong tagaMasinloc ay hindi na kailangan kumuha ng travel pass at sapat na ang valid ID na nagpapatunay na sila ay taga-rito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here