Home Headlines Covid–19 sa Bataan: 10 health workers bagong kumpirmadong kaso

Covid–19 sa Bataan: 10 health workers bagong kumpirmadong kaso

850
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Ayon sa ulat ng provincial health office nitong Huwebes, 10 na pawang health workers ang nadagdag sa listahan ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Dahil sa mga bagong kaso, umaayat sa 161 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit sa mapanganib na karamdaman sa buong lalawigan.

Ang bagong nakumpirmang may sakit ng Covid – 19 ay pito sa Mariveles, dalawa sa Orion, at isa sa lungsod na ito.

Ang mga ito na mula sa Mariveles  ay 34anyos, 24anyos,  dalawang 29-anyos, isang 32anyos  at 30anyos, pawang babae; at isang 29anyos na lalaki.

Dalawang lalaki na parehong 33 taong gulang ang mula sa Orion at isang 23-taong gulang na babae naman ang mula sa lungsod na ito.

Dalawa naman ang bagong gumaling o naka-rekober sa Covid19, na ang isa ay 49-anyos na babae mula sa Abucay at ang pangalawa ay 38-anyos na babae mula sa Orion.

Umakyat na sa 141 ang lahat ng naka-rekober at nananatili sa siyam ang mga namayapa mula sa nakakatakot na virus.

Ang aktibong kaso ng Covid19 sa Bataan ay 11 matapos pagsamahin ang 141 na naka-rekober at siyam na namayapa at ibawas sa kabuuang confirmed cases na 161.

Sa 2,624 na na-test sa Covid19 sa Bataan, 152 ang naghihintay ng resulta samantalang 2,361, kabilang ang 10 bago, ang nag-negatibo na, sabi ng PHO.

Ayon kay Gov. Albert Garcia, nagsimula nang gamitin ang GenExpert PCR machine sa 1Bataan BGHMC PCR Laboratory at katuwang din ang Philippine Red Cross at JB Lingad Memorial Regional Hospital saCity of San Fernando, Pampanga kaya mas marami nang nate-test na mga health workers at frontliners.

“Isang dahilan ito kung bakit may mga naitatala na mga bagong kaso na nagpopositibo. Kaugnay nito, pinasimulan na rin ang expanded testing dito sa ating lalawigan,” sabi ng governor.

“Ang mga bagong nagpositibong health workers na pawang asymptomatic ay dati nang nakaisolate, habang ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo ay tinetest na sa ngayon at ang resulta ay malalaman sa loob ng isa o dalawang araw,” sabi pa ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here