Home Opinion ‘New restriction is a must’

‘New restriction is a must’

964
0
SHARE

MALAPIT na itong itinakdang petsa
na makaraan lang ng isang buwan na,
‘enhance community quarantine’ dedbol na,
itong COVID-19, but still active pa.

Sanhi na rin nitong kahit ating gawing
triple ang panahong ating gugugulin
laban sa ‘virus’ na ninanais kitlin,
marami pang bigas tayong kakainin.

Na bago masugpo ito nang tuluyan,
di na kakaunti ang ating kababayan
na mahawaan ng sakit na naturan,
dahil na rin sa ating kapabayaan.

At katigasan din nitong mga ulo
ng nakararaming mga Pilipino,
na kung alin itong bawal ang siyang gusto
nilang gawin kahit ikamatay ito.

Gaya ng alam na nitong marami r’yan
ang utos hinggil sa tayo ay huwag munang
lumabas ng bahay habang kasagsagan
ng ‘virus’ pero ang dami ng pasaway!

Ang ‘social distancing’ na pinatutupad
ng gobyerno upang makontrol kaagad
ang pagkalat nitong ‘virus’ pero di ba’t
ubod ng dami r’yan nitong lumalabag?

Patuloy pa rin ang pagkakumpol-kumpol
ng iba sa harap ng ‘sari-sari store’
at ang hilig, tsismis dito, syete roon,
kaysa manatili sa bahay maghapon.

Kaya papaano nga mababawasan
itong pagkalat ng COVID-19 na ‘yan
kung kagaya nitong ang pinagbabawal
ay bale wala sa ibang kababayan?

Ano kaya’t bawat makitang lumabag
sa panawagan d’yan ng nakatataas,
paghuhulihin at ikulong kaagad
para magtanda yan kahit mag-umiyak?

Di bale sana kung sila lamang itong
dapuan diyan ng malalang impeksyon?
Kaso pati tayong takot na madedbol
sa ‘virus’ ay damay kapag nagkataon!

Ang tanging solusyon ay itong ang bawat
hinihinalang nahawaan at sukat
ng ‘virus’ sila ay isama kaagad
dito sa ibang lugar ay ikwarentinas;

Na hayan base sa nakalap po nating
ilang impormasyon sila ay dadalhin
sa gitna ng dagat, at d’yan gagamutin
itong posible pang sa sakit gagaling.

Maliban sa iba pang sa hotel yata
ikwarentinas at habang hindi pa nga
magaling di basta sila makawala,
na tanging lunas na pinakamabisa;

Upang itong COVID-19 na naturan
tuluyang mamatay sa ganyang paraan,
na ibukod agad ang hinihinalang
may ‘virus’ na para di magkahawaan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here